Huwag mawalan ng pag-asa, panawagan ng simbahan sa mga may sakit na HIV-AIDS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,385 total reads

Huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng karamdaman.

Ito ang paalala ni Father Manuel Abogado, head ng Archdiocese of Manila-Ministry on Health Care, sa paggunita sa National AIDS Sunday sa unang araw ng Disyembre.

Ayon sa pari, kasabay ang unang linggo ng adbiyento, ipinahayag ng mga salita ng Diyos na hindi dapat mawalan ng pag-asa ang tao dahil ipinangako ng Panginoon ang pagdating ng manunubos.

Ipinaliwanag ni Fr. Abogado na maging ang mga may sakit na HIV-AIDS ay mayroon pang pag-asa, kinakailangan lamang na talikdan nito ang mga dating gawain na naging dahilan ng pagkakaroon ng karamdaman.

“Ngayon ay unang linggo sa panahon ng adbiyento at ang unang kandila na sinindihan ay sumisimbulo sa pag-asa, hindi porket maysakit ang isang tao wala nang pag-asa pa. Ipanalangin natin na makatawid tayo to be able to pass over from sin to salvation, from death to life, from sickness to health… Hindi mawalan ng pag-asa sa mga may sakit, kung susundin lamang yung therapy at magiging maayos na babaguhin yung lifestyle hindi na magiging tulad ng dati, mayroong pag-asa.” Pahayag ni Father Abodago.

Samantala pinaalalahanan din ng pari ang mga kabataan na ingatan at panatilihin ang moral na pamumuhay.

Aniya, dahil sa kapusukan ng mga kabataan at pagnanais na makatuklas ng mga bagay-bagay ay malaking porsyento ng nagkakaroon ng sakit na HIV-AIDS ay mula sa edad 15 hanggang 34.

“Malaking apektado talaga yung mga youth 15 to 34 years old kung tutuusin at kailangan talagang magsumikap na mag-abstain maging faithful lalong lalo na sa ating pananampalatayang katoliko, kung hindi man katoliko yung relasyon sa Diyos. Magsumikap na magtimpi, magtiis, huwag basta-basta magpadala sa pita ng laman.” Dagdag pa ng Pari.

Sa tala ng United Nations Program on HIV and AIDS mayroong umaabot sa 77-libong mamayan o tinatawag na People Living with HIV sa Pilipinas, subalit mahigit 62-libo lamang sa mga ito ang naiulat at na-diagnose.

Nagpaalala din ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care, na pastoral accompaniment ang kinakailangan upang mapangalagaan ang mga taong mayroong HIV-AIDS at maalis ang stigma o masamang pagtingin sa mga ito.

Read: Pastoral accompaniment sa People with HIV/AIDS, pinaiigting ng Simbahan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 127,458 total reads

 127,458 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 264,394 total reads

 264,394 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 380,169 total reads

 380,169 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 495,365 total reads

 495,365 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 47,340 total reads

 47,340 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 76,875 total reads

 76,875 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 69,719 total reads

 69,719 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top