Pagkakaisa ng magkaibang pananampalataya, misyon ng Simbahang Katolika.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 493 total reads

Umaasa ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na magpatuloy ang mga nasimulang gawain at adbokasiya ng Simbahan sa paggunita ng Taon ng mga Kabataan o Year of the Youth.

Ito ang apela ni Diocese of San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Clergy sa pagtatapos ng Year of the Youth kasabay ng pagtatapos ng liturhikal na taon.

Ipinagdarasal ng Obispo na patuloy at mapalakas pa ng bawat isa ang mga nasimulan at naimulat na kamalayan ng Simbahan sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga kabataan sa lipunan.

“Doon sa pagtatapos ng Year of the Youth meron kasing napasimulan, kung anuman ang napasimulan na mga gawain at mga activities dito sa Year of the Youth ay maipagpatuloy dahil baka pagdating nitong another year ay maiwanan kaya tuloy lang at kung pwedeng palakasin ay lalong palalakasin…” pahayag ni Bishop Famadico sa panayam sa Radyo Veritas.

Kasunod ng pagtatapos ng Year of the Youth o Taon ng mga Kabataan ay idineklara naman ng CBCP ang taong 2020 bilang Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous People’s bilang patuloy na bahagi sa paghahanda ng Simbahang Katolika sa ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas sa taong 2021.

Ipinaliwanag ni Bishop Famadico na ang panibagong paksa sa siyam na taong paghahanda para sa ika-limang sentenaryo ng Kristiyanismo sa bansa ay nag-aanyaya ng pagkakasundo at pagkakabuklod-buklod sa kabila ng magkakaibang paniniwala.

“Dito sa ating ecumenism na darating, ito’y isang paanyaya na lalong maging bukas sa ibang mga pananampalataya sapagkat tayong lahat naman kahit magkakaiba ang mga pananaw tayong lahat ay nagkakaisa bilang mga kapwa anak ng Diyos…” Dagdag ni Bishop Famadico.

Tema ng Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous Peoples ang “Dialogue Towards Harmony” na naglalayong maisulong ng pakikipagkapatiran sa pamamagitan ng pagsusulong ng kultura ng pakikipag-ugnayan tungo sa pangkabuuang kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 34,878 total reads

 34,878 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 70,823 total reads

 70,823 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 297,093 total reads

 297,093 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 190,562 total reads

 190,561 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 282,735 total reads

 282,735 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top