Diocese of Sorsogon, umaapela ng tulong.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 669 total reads

Nanawagan ang Caritas Sorsogon sa mamamayan ng karagdagang tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Tisoy.

Sa pahayag ng social arm ng Diyosesis ng Sorsogon, kinakailangan sa kasalukuyan ang karagdagang tulong upang maabot ang bawat pamilyang biktima ng bagyo.

“CARITAS SORSOGON formerly SORSOGON SOCIAL ACTION FOUNDATION INC., the welfare arm of the diocese of Sorsogon, is appealing for your benevolent heart to extend your assistance or aid (cash or in kind) that will help us augment resources intended for the needs of the families devastated by TY Tisoy in Sorsogon,” bahagi ng pahayag ng institusyon.

Samantala 60,000 pamilya ang nasalanta ng bagyo habang sa ulat naman ng Department of Agriculture ay 11-libong ektarya ng sakahan ng palay na nagkakahalaga ng 185 milyong piso ang nasira ng bagyo sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur at Sorsogon.

Patuloy ang Diyosesis sa pakikipag-ugnayan sa mga komunidad na apektado ng bagyo upang alamin ang mga pangangailangan ng mamamayan kasabay ng pagsusuri na ginagawa ng mga lokal na pamahalaan.

“Our organization has already conducted rapid assessment and coordination to some municipalities and even communities badly hit by typhoon. Presently the LGUs were doing their best to meet the needs of the affected populace, through relief distribution and providing immediate assistance to affected population but the scarce resources is not enough to defray the growing needs of the affected families.” pahayag ng Caritas Sorsogon

Sa mga nais magpaabot ng kanilang tulong maaring magsadya sa tanggapan ng Diocesan Pastoral Complex, Old Bishops House, 2F Chancery Building Magsaysay St. Brgy Almendras, Sorsogon City.

Matapos ang pananalasa ng bagyong Tisoy, nagpadala ang Caritas Manila sa Diocese of Virac Catanduanes ng 100,000 emergency financial assistance; 100K sa Apostolic Vicariate of San Jose Occidental Mindoro; 200K sa Archdiocese of Nueva Caceres at 200K sa Diocese of Libmanan.

Nagpaabot naman ang Quiapo Church community ng 200K financial assistance sa Diocese of Romblon; 200K sa diocese of Legazpi; 100K sa diocese of Sorsogon; 100K sa diocese of Gumaca; 100K sa diocese of Catarman at 100K sa Archdiocese of Tuguegarao Cagayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 125,199 total reads

 125,199 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 262,320 total reads

 262,320 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 378,096 total reads

 378,096 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 493,385 total reads

 493,385 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top