Palakasin ang partisipasyon ng mamamayan sa nation building.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 729 total reads

Nanawagan ang human rights group na Phillippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) at In Defense of Human Rights and Dignity Movement (iDEFEND) sa mamamayan na pahalagahan at pangalagaan ang karapatang pantao ng bawat Filipino.

Ayon kay Ellecer Carlos, International Affairs Officer ng PAHRA at tagapag-salita ng iDEFEND, dapat tumimo sa kamalayan ng bawat mamamayan na ang karapatang pantao ay para sa lahat.

Iginiit ni Carlos na ang mamamayan ang pinakamahalagang yaman ng isang bansa na nararapat bigyan ng proteksyon laban sa mga pang-aabuso.

“The citizens are our nation’s best resources, we should not be silencing them but strengthening their participation in nation-building and human rights advocacy”. panawagan ni Carlos

Ito ang panawagan ni Carlos sa paggunita ng Human Rights Week na may temang “Ikaw, Ako, Tayo para sa Karapatang Pantao” na pumupukaw sa kamalayan ng bawat isa sa kahalagahan ng dignidad at karapatang pantao.

Ginugunita ang Human Rights Day tuwing unang linggo ng Disyembre kung kailan pinagtibay ng United Nations General Assembly ang Universal Declaration of Human Rights o Pandaigdig na Pahayag ng mga Karapatan ng Tao.
Nakapaloob sa naturang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao na ang bawat isa ay may kalayaan at karapatan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, pananaw pampulitika, pinagmulang bansa, pagmamay-aring ari-arian, kapanganakan at iba pang katayuan sa buhay.

Patuloy ding naninindigan ang Simbahang Katolika sa pagbibigay halaga sa karapatang pantao at kasagraduhan ng buhay ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 127,073 total reads

 127,073 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 264,035 total reads

 264,035 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 379,810 total reads

 379,810 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 495,018 total reads

 495,018 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top