Magdala ng kagalakan, pagdamay sa mga bilanggo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 491 total views

Dalhin si Hesus sa pagdalaw sa kapwa lalo na sa mga bilanggo.

Ito ang paanyaya ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle incoming Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples ginanap na misa sa sa New Bilibid Prison Maximum Security.

Ayon sa Cardinal, tulad ng pagdalaw ng mahal na birheng Maria kay Elizabeth, nawa ay dalhin din ng bawat isa si Hesus bilang biyaya ng kagalakan sa kanilang kapwa.

Aniya, kung ang mga pagdalaw ng tao ay panandalian lamang, nang dumating naman si Hesus sa sanlibutan ay hindi na ito lumisan dahil siya ang tinatawag na Emmanuel.

Nangangahulugan ito ayon kay Kardinal na sumasaatin ang Diyos sa araw-araw, o sa anumang yugto ng ating buhay.

“Ibig n’yang dumamay sa kaligayahan at tumulong at higit sa lahat, nasa sinapupunan ni Maria si Hesus. Hindi mapapantayan yan ng kahit anong bitbit. Kapag dumalaw, dalhin si Hesus. Dalhin ang Kan’yang pakikipagkapwa tao, dalhin ang Kan’yang pagdamay, dalhin ang Kan’yang ngiti, dalhin ang Kan’yang salita na nakakapawi ng mga mabibigat na pasanin… Si Hesus, patuloy na dadalaw sa ibang tao sa pamamagitan natin.” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Pinayuhan naman niya ang mga bilanggo na maging sensitibo sa nadarama ng kanilang kapwa na hindi makatatanggap ng dalaw ngayong kapaskuhan.

Nawa ayon sa cardinal na ang maging dalaw na magdadala ng kasiyahan at ng salita ni Hesus sa mga nalulungkot at nalulumbay nilang kasamahan, maging sa mga empleyado ng NBP na mananatili sa trabaho ngayong pasko at bagong taon.

“Ikaw ang dumalaw, ikaw ang magdala ng pagdamay at kaligayahan. At higit sa lahat, higit sa lahat katulad ng sinabi ko kanina, si Hesus katulad nung unang pasko, dumalaw, pero hindi na umalis. Para sa mga walang dalaw sa araw ng pasko, imulat mo ang mata mo, si Hesus dumadalaw sa iyo… Si Hesus hindi ka kakalimutan at hindi ka iiwan.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Ipinaalala pa nito na kung ang buhay ng mga bilanggo ay walang kasiguraduhan kung kailan sila magkakaroon ng kalayaan, ang natatangi at natitiyak namang kasiguraduhan sa mundo ay ang pag-ibig ni Hesus sa bawat tao lalo na sa mga naisasantabi sa lipunan tulad nila na mga nasa loob ng piitan.

Dahil dito, tiyak na magpapatuloy ang pasko dahil na rin sa pagmamahal ni Hesus.

Humigit kumulang isang libong mga bilanggo ang nakiisa sa taunang pagdiriwang ng banal na misa na pinangunahan ni Cardinal Tagle, para sa nalalapit na kapaskuhan.

Matapos ang banal na misa ay nagsagawa ng gift giving ang Caritas Manila at Restorative Justice Ministry kung saan namahagi ito ng mga hygiene kits sa mga bilanggo.

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa sa New Bilibid Prison, Maximum Security – December 21, 2019

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 517 total views

 517 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 26,973 total views

 26,973 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 77,657 total views

 77,657 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 83,755 total views

 83,755 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 112,961 total views

 112,961 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 322,510 total views

 322,510 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top