Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa sa New Bilibid Prison, Maximum Security – December 21, 2019

SHARE THE TRUTH

 3,207 total views

Mga kapatid, magandang umaga po sa inyong lahat.

Magpasalamat tayo sa Diyos, binigyan N’ya tayo ng magandang panahon, at nagkakasama-sama po tayo.

Sabi ni sister, first time kong magmisa sa covered court, kasi dati sa chapel, e ito nga malaki nga ang covered court parang na doble yata ang attendance, natriple pa, so maraming salamat ho sa inyo.

Nakakatuwa pong magmisa dito dahil dito n’yo rin maririnig ang pagkanta ng isa sa pinaka magagaling na choir sa Pilipinas, ang choir dito, ‘no ho? Bigay na bigay, at nagulat ako kasi dati akong pari sa Cavite, na-assign ako sa Tagaytay, yung mga kinompose na kantang pangmisa ng mga seminarista doon hindi naman naging sikat e pero kinakanta dito, katulad yung kanina yung sumigaw sa galak. Kami ang may gawa nun e.

Nakalimutan na ng mundo kasi may mas mga sikat na heswita pero dito hindi nakakalimutan ang mga awit galing sa Tahanan ng Mabuting Pastol sa Tagaytay. Mamaya, umawi pa kayo.

Yun hong pagbasa natin, lalo na yung ebanghelyo ay tungkol sa pagdalaw ng Mahal na Birhen sa kan’yang pinsan, kamag-anak na si Elizabeth. Kung kayo po ay nagrorosaryo, yung visitation, ang pagdalaw ay isa sa mga Joyful Mysteries.

Ito ay isa sa mga misteryo na nagbibigay ng aliw, galak, misteryo ni Hesus. Parang sa atin ‘no? ano ba naman ang misteryo, dumalaw lang. Bakit pinalalalim pa natin? Bakit ginagawang komplikado? Dumalaw lang naman e, bakit napabilang sa mga misteryo? Aba! Napaka lalim ng kahulugan. Kasi po yung pagdating ni Hesus, yung Kan’yang pagkakatawang tao, naging tao, pagdalaw yan e, dumalaw S’ya, pero hindi na umalis, dumalaw at naging kapiling natin. Yung ibang dumadalaw, pagkatapos dumalaw aalis. Si Hesus, dumalaw, nanatili. Ang tawag Emmanuel, ang Diyos, nasa atin, ang Diyos, kapiling natin, hindi lang bisita ang Diyos, ang Diyos kapiling natin.

Pagdalaw. Tayong mga pilipino mahilig din naman tayong dumalaw, ano ho? Lalo na kapag may okasyon. Kaya lang ngayon po ginagawa nating malaking problema ang pagdalaw, bakit? Iniisip natin ano ba ang bibitbitin ko? Ano ba ang ibibigay ko pag dumalaw ako. Kapag ang dadalawin mo ay medyo, alam mo na may sinasabi sa buhay. Nakakahiya naman na ang pagdalaw mo ang dala mo lang ay biskwit kaya namomroblema ka. “Big time tong dadalawin ko e, dapat naman ang dala dala ko ensaymada!” Ayan ha medyo, kaya pinoproblema natin yan e sinusukat natin yung dadalawin.

Kapag ang dadalawin parang kapantay ko lang o kaya mababa sa akin e pwede na d’yan ano sprite, pwede na d’yan chocnut mga ganyan. E pero kung ang dadalawin mo bigtime, kailangan yata d’yan Red Ribbon! Kaya yung pagdalaw, sa halip na misteryo ng kaligayahan, nagiging problema ng gastos.

Pero si Maria, ano yung pagdalaw n’ya? Ano yung bibit n’ya? Mukhang wala naman e, ang bitbit n’ya, ang kan’yang pakikiisa sa kan’yang pinsan. Ibig n’yang dumamay sa kaligayahan at tumulong at higit sa lahat, nasa sinapupunan ni Maria si Hesus. Hindi mapapantayan yan ng kahit anong bitbit. Kapag dumalaw, dalhin si Hesus. Dalhin ang Kan’yang pakikipagkapwa tao, dalhin ang Kan’yang pagdamay, dalhin ang Kan’yang ngiti, dalhin ang Kan’yang salita na nakakapawi ng mga mabibigat na pasanin.

Kaya nga dumating sa atin si Hesus, kaya dumating si Hesus kay Maria, para bitbitin ni Maria si Hesus, saan man s’ya pumunta. Si Hesus, patuloy na dadalaw sa ibang tao sa pamamagitan natin. Dalhin natin si Hesus sa kahit sinong tao na ating madadalaw. Siguro pagkatapos ng misa babalik yung iba sa inyo sa ano n’yo, o sa selda, edi pagbalik n’yo don, parang dadalaw kayo don sa mga naiwan don. Dalhin n’yo ang salita ng Diyos, dalhin n’yo si Hesus.

Pero hindi lang naman tayo ang dumadalaw, tayo rin, dinadalaw. Nakakalungkot lang minsan kapag walang dalaw ano ho? Pero sabi ko nga kanina, lalo na sa ganitong panahon nab aka yung iba sa inyo talagang naghihintay sana, makadalaw ang mga mahal sa buhay.

Palagay ko naman yung iba sa inyo mabibigyan ng ganyang regalo, may dadalaw. At para dun sa iba na walang dadalaw, sana maging sensitive tayo. Kung alam n’yo na walang dalaw yung kasama n’yo, wag n‘yo nang iinisin.

“Wow nakatanggap ako ng ano, ikaw ba meron?”

“Wala.”

“Kawawa ka naman!”

Wag naman, wala s’yang dalaw, ikaw ang dumalaw, ikaw ang magdala ng pagdamay at kaligayahan. At higit sa lahat, higit sa lahat katulad ng sinabi ko kanina, si Hesus katulad nung unang pasko, dumalaw, pero hindi na umalis. Para sa mga walang dalaw sa araw ng pasko, imulat mo ang mata mo, si Hesus dumadalaw sa iyo.

Si Hesus, mahal ka! Si Hesus hindi ka kakalimutan at hindi ka iiwan.

May pakiusap pa ako sa inyo ho, itong ating mga guards, itong ating mga warden, meron din silang mga pamilya e, pero dahil sa tungkulin, hindi rin sila makadalaw. Kaya dalawin n’yo din sila, ngitian n’yo.

“O sir, ngitin naman d’yan!”

Para lahat tayo ay makaranas, pag-ibig ni Hesus ang Pasko.

Tatapusin ko po ito sa isang kwento. Nung ako ho ay Obispo pa sa Cavite, basta bago magpasko nagmimisa ako doon sa Provincial Jail. At dahil ang katedral ay nasa Imus, dalawa ang aking Christmas Eve Mass yung December 24 ng gabi. Ang una kong misa ng Pasko, yung gabi ng bago magpasko ay sa Imus City Jail. Inuuna ko yun bago ako magmisa sa Katedral.

Sabi ko nga sa katedral, “naisilang na si Hesus sa City jail, nauuna don kaysa dito sa katedral.” Binibiro ko sila, ‘no ho?

Dun ho sa minsan nagmisa ako, simbang gabi talaga alas kwatro sa Trese Martires, sa Provincial Jail. Pagkatapos ng misa edi 5:30, umiikot kami doon sa mga selda. Yung isang selda, medyo masikip may mga nakatayo, naghahalinhinan sila kapag may gumagamit ng kama nakahiga, yung iba naman nakatayo. Tapos tatayo naman yung nakahiga, yung nakatayos sila naman ang hihiga. Ano e, exchange gift, parang ganyan. Tapos, ano ako e, bati, bati ganyan.

Nung paalis na ako may sumigaw, “Bishop! May gusto pang bumati sayo!”

Sabi ko, “Nasaan?”

“Hayun sa sahig!”

Nakadapa. Edi nilapitan ko, lumuhod ako kasi nakadapa s’ya e.

“Kumusta ho?”

“Eto ho, ano ko ho e, turn ko para dumapa.”

Edi nakaluhod ako, hindi ko alam ang sasabihin ko. Sabi ko nalang e, “Magpapasko na, ano ba? Kumusta ho kayo? Pasko na, nararamdaman n’yo ba ang pasko?”

Sabi n’ya, “Marami hong hindi sigurado sa buhay ko. Hindi ko alam kung makakalaya ako. Hindi ko alam kung pagnapalaya ako, hindi ko alam kung tatanggapin ako ng aking pamilya, mga kaibigan, hindi po sigurado yun.”

Tapos sabi n’ya, “Pero Bishop, isang bagay po ang sigurado, mahal ako ni Hesus.”

Tapos sabi n’ya, “Tuloy po ang pasko, kaya tuloy po ang pasko.”

Nung Christmas na yun, parang s’ya ang nagturo sa akin, sabi ko, “dinalaw ako ni Hesus sa pamamagitan ng isang bilanggo.” Na nagpaliwanag sa akin, ano ang kahulugan ng pasko. Maraming hindi sigurado, isa lang ang sigurado, sabi n’ya mahal ako ni Hesus kaya tuloy ang pasko.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Manggagawang Pilipino

 22,157 total views

 22,157 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 28,313 total views

 28,313 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 32,675 total views

 32,675 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »

Trabaho sa kabila ng init

 43,266 total views

 43,266 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 51,489 total views

 51,489 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA)

 3,206 total views

 3,206 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA) November 15, 2019 – Manila Cathedral My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks to God for this beautiful day. We also give thanks to God for bringing us together as

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap November 16, 2019, San Andres, Maynila

 3,164 total views

 3,164 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, muli po, nagpapasalamat tayo sa Diyos na tayo ay magkakasama muli sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap. Ito po ay sinimulan ni Pope Francis, sabi n’ya meron tayong World Youth Day, meron tayong World Meeting of Families, dapat magkaroon tayo ng World Day of the

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Mass for the Deceased Priests and Religious Arzobispado de Manila Chapel, Intramuros November 8, 2019

 3,177 total views

 3,177 total views We thank God for bringing us together, and we thank God for this beautiful practice, a beautiful tradition in our Archdiocese [where we] dedicate one morning of Eucharistic to remember our Bishops, Priests, I don’t know if we have deacons, and religious men and women. Of course we do not forget our beloved

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa ng pagluluklok sa Sto. Niño de Tondo sa Manila Cathedral – October 19, 2019

 3,218 total views

 3,218 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Una po sa lahat, magpasalamat at magpuri tayo sa Diyos na Siyang nagtipon sa atin, bilang isang simbahan. Upang sa pagdiriwang ng Eukaristiya, tayo ay mapanibago Niya, mapalakas, bilang tunay na sambayanang kristiyano, nabubuhay sa salita ng Diyos, sa katawan at dugo ni Kristo, at sa ating

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Mass and blessing of the new facilities of the Holy Trinity Academy, Sampaloc, Manila October 11, 2019

 3,175 total views

 3,175 total views My dear brothers and sisters in Christ, we thank God and praise God for this beautiful day and we thank God for bringing us together as one community. Puwedeng malaman sino sa inyo ang pinaka bata? (Some students raised their hand) Meron bang nasa grade 1? Naku, wala? So anong grade kayo? (Crowd

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Kapistahan ni San Miguel at mga Arkanghel- National Shrine of Saint Michael and the Archangels September 30, 2019

 3,260 total views

 3,260 total views Mga minamahal na kapatid sa ating pananampalataya, nagpapasalamat po tayo sa Panginoon sa pagtitipon na ginawa N’ya sa atin ngayong linggong ito. Tuwing linggo, ang bayan ng Diyos ay nagpapasalamat sa paggunita sa tagumpay ni Kristo laban sa kamatayan at kasalanan, at tuwing linggo, harinawa, tayo rin bilang katawan ni Kristo ay nakikiisa

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati

 3,144 total views

 3,144 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati September 15, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay nagbibigay puri at pasasalamat sa Diyos. Siya po ang nagtipon sa atin bilang isang sambayanan, bilang isang komunidad, bilang isang simbahan o parokya. Lalo

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation at Quezon Memorial Circle

 3,139 total views

 3,139 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation September 1, 2019 Quezon Memorial Circle My dear sisters and brothers in Christ, maganda at mabuting umaga po sa inyong lahat. I noticed that our commentator did not say, “Please be seated,” she’s very realistic. Alam n’ya na

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Kayabangan ng tao, dahilan ng pagkasira ng kalikasan

 3,212 total views

 3,212 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antoni Cardinal Tagle ang pagbubukas ng Season of Creation ngayong unang araw ng Septyembre 2019 sa Liwasang Aurora Quezon Memorial Circle. Kaisa sa banal na misa sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Kalookan Bishop Pablo Virgiliio David. Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, binigyang diin nito ang

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila of Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa at Manila Cathedral

 3,357 total views

 3,357 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa Manila Cathedral August 22, 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and honor to God who has gathered us as one community, as one church in this beautiful day, the Memorial of the Queenship of Our

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE at University of Santo Tomas

 3,191 total views

 3,191 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE University of Santo Tomas July 16. 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we thank God for bringing us together on this almost rainy day so that in the Eucharist we will

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Maging maawain, mahabagin, at totoo sa kapwa

 3,240 total views

 3,240 total views Ito ang hamon ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya, kasabay ang pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng pagtatalaga sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Life. Ayon kay Cardinal Tagle, ang bawat mananampalataya ay nagnanais na makasunod kay Hesus, subalit hindi ito madali dahil kinakailangang tularan ng

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament at Sta. Cruz Parish

 3,200 total views

 3,200 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, Sta. Cruz Parish June 23, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay magpasalamat sa Diyos, na S’yang nagtipon sa atin bilang isang simbahan, sambayanan, isang pamilya ng pananampalataya, at tayo po ay

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homilya ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon – April 18, 2019 – Manila Cathedral

 3,157 total views

 3,157 total views Mga minamahal na kapatid kay Hesukristo, magpasalamat po tayo sa panginoon tayo ay tinipon niya para sa pagsisismula ng ating pagdiriwang ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukrito. At sa gabing ito atin pong ginugunita sa pagtatakip- silim ang hapunan na tinawatawag nating huling hapunan ng Panginoon kasama ang kanyang mga

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Palm Sunday mass at Our Lady of Peñafrancia Parish, Paco, Manila

 1,230 total views

 1,230 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Palm Sunday mass Our Lady of Peñafrancia Parish, Paco, Manila April 13, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, magpasalamat po tayo sa Diyos, tayo ay Kan’yang binuklod bilang isang sambayanan ngayong atin pong sinisimulan ang mga Mahal na araw, o ang tawag natin Holy Week,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top