Moratorium sa illegal drug operations sa bansa, hiniling

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 396 total reads

Nanawagan ng Moratorium ang Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) sa kasalukuyang istilo ng operasyon ng mga pulis laban sa illegal na droga sa bansa.

Iginiit ni Rose Trajano – Secretary General ng PAHRA, dapat na pansamantalang ipagpaliban muna ng Philippine National Police ang mga operasyon nito, upang muling masuri ang kasalukuyang sitwasyon partikular na ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay sa gitna ng operasyon laban sa illegal na droga.

Dagdag pa Trajano, dapat ring imbestigahan ang sinasabing isa-isang pagpatay sa mga police asset upang hindi maituro o maidamay ang iba pang mga pulis na maaring may kinalaman rin sa ipinagbabawal na gamot.

“More than 150 na ang napapatay, kaya po sa tingin ko po mag-moratorium muna sila, umupo sila, mag-assess sila – anong nangyayari, mag-evaluate sila – bakit nagkakaganito? Kaya naman pala nilang pasukuin yung mga iba, bakit yung iba ay kailangang patayin? Kailangan itong ma-explore ng maige kung totoo man na itong mga pinapatay na ito ay mga sinasabi nilang police asset at baka madamay ang mga pulis kapag hindi nila napatumba itong mga tao na ito…’ pahayag ni Trajano sa panayam sa Radio Veritas.

Bukod dito, iginiit rin ni Trajano na kinakailangang tiyakin na walang nilalabag na batas ang mga pulis partikular na ang Police Operational Procedure, Rule of Law at Rule of Engagement na sumasaklaw pa rin aniya sa karapatang pantao maging ng mga pinaghihinalaang nagkasala sa batas.

“Mukhang kailangan po uling silipin, papaano ba yung pamamaraan na ginagawa ng ating mga kapulisan baka po marami ng mga excises, baka po hindi na sumusunod doon sa kanilang Police Operational Procedure, sa Rule of Law, sa Rule of Engagement na nakapagba-violent na po ng Human Rights ng mga kriminal..” dagdag pa ni Trajano.

Nasasaad nga sa Article III Bill of Rights, Section 1 ng Saligang Batas na hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, or ari-arian ang sino mang tao nang hindi kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas.

Batay sa pinakahuling tala ng PNP, tinatayang umaabot na sa higit 18-libo ang naaresto dahil sa ilegal na droga, higit 6 na libong indibidwal ang kusang sumuko habang tinatayang umaabot na sa higit 100 ang kaso ng drug-related killings matapos ang naganap na pambansang halalan noong buwan ng Mayo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 15,327 total reads

 15,327 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 235,945 total reads

 235,945 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 270,618 total reads

 270,618 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 286,518 total reads

 286,518 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 321,948 total reads

 321,948 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 50,055 total reads

 50,055 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top