Kaliwat-kanang pagpatay sa mga hinihinalang drug suspect, tinawag na “madness”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 480 total reads

Nagpahayag ng pagkabahala si Rev. Fr. Amado Picardal, CSSR – Executive Secretary ng CBCP – Episcopal Committee on Basic Ecclesial Communities kaugnay sa tila pagsasawalang bahala ng mga mamamayan sa kasalukuyang paglaki ng bilang ng mga namamatay gitna ng operasyon ng mga pulis laban sa illegal na droga.

Pagbabahagi ng Pari, bukod sa sunod-sunod na kaso ng pagkamatay ng mga hinihinalang sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot ay mas nakababahala ang tila pagbabalewala ng mga mamamayan sa kawalan ng ‘due process’ sa lipunan.

Iginiit ni Father Picardal na mas nakababahala ito lalo’t kung iisipin ay karamihan ng mga Filipino ay mga Katoliko’t Kristyano na dapat sana’y silang unang nagtatanggol at nagbibigay proteksyon sa kasagraduhan ng buhay.

“If this will continue and this will worsen, I think there is madness that is happening in our country today and what more is hindi lang yung killings but the reaction of the citizens at saka majority pa ay mga Katoliko, mga Kristyano para bang their suspending their source of what is right and wrong kasi yung iba either quiet or they approve of it kasi the thing is justified until ang member sa kanilang family ay ma-included and that is my worry that this will not stop kasi tayong mga citizens eh there’s no outcry, there is no moral outcry…”pahayag ni Father Picardal sa panayam sa Radio Veritas.

Batay nga sa pinakahuling tala ng Philippine National Police, tinatayang umaabot na sa higit 18-libo ang naaresto dahil sa ilegal na droga, higit 6 na libong indibidwal ang kusang sumuko habang tinatayang umaabot na sa higit 100 ang kaso ng drug-related killings matapos ang naganap na pambansang halalan noong buwan ng Mayo o katumbas ng 7 hanggang 10 kaso ng pagpatay kada araw.
Mariing kinokondena ng Simbahang Katolika ang sinasabing gawain lalo na at sinisentensiyahan ng kamatayan ang mga indibidwal na nagkasala ng hindi dumaraan sa tamang at legal na proseso na isang paglabag sa kanilang dignidad at karapatan na mabuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 78,453 total reads

 78,453 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 126,092 total reads

 126,092 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 173,963 total reads

 173,963 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 277,911 total reads

 277,911 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 360,365 total reads

 360,365 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top