Simbahan, nagpagawa ng transitional houses sa mga biktima ng lindol sa Mindanao region

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,935 total reads

Itinakda ng Caritas Philippines ang initial turn-over ng transitional houses para sa mga survivors sa naganap na sunod-sunod na lindol sa Mindanao region.

Ayon kay Caritas Philippines National director, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ito ay isasagawa sa ika-19 ng Pebrero para sa may 100 pamilya na nasira ang mga tahanan at hindi na maaring bumalik sa kanilang lugar dahil na rin sa fault line.

“Ang simbahan naman through NASSA, Caritas ay nagpapagawa tayo ng transitional shelters. Meron tayong mga identified na lugar malapit sa mga original houses ng mga biktima na nasira ang kanilang mga bahay,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Inihayag naman ng obispo na ang mga bahay na ito ay pansamantala lamang dahil wala pang lugar na maaring paglipatan at hindi pa nila pag-aari ang mga lupang pinagtayuan ng mga bahay.

Target din ng Caritas Philippines o CBCP-NASSA na makapagpatayo ng 600 transitional houses na nagkakahalaga ng 40-50 libong piso ang bawat bahay.

“Fifty percent ay nakabalik na sa kanilang bahay, communities pero marami pa rin ang nasa evacuation centers,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Tinatayang higit sa isang libong pamilya ang nagsilikas at pansamantalang nanatili sa evacuation centers dahil sa naganap magkakasunod na paglindol sa ilang bahagi ng Mindanao noong Oktubre ng nakalipas na taon.

Read: CBCP, naglabas ng urgent appeal para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

Tinatayang may 40 katao ang nasawi sa magkakasunod na lindol kung saan naitala ang tatlong malalakas na pagyanig sa magnitude 6.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 37,618 total reads

 37,618 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 142,645 total reads

 142,645 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 228,014 total reads

 228,014 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 274,751 total reads

 274,751 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 322,623 total reads

 322,623 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 419,415 total reads

 419,415 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 316,235 total reads

 316,235 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 422,329 total reads

 422,329 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top