EU-Copernicus katuwang ng Pilipinas sa risk reduction

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,110 total views

Nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mamamayan na paigtingin ang pangangalaga sa kalikasan upang maiwasan ang pagkasira nito.

Tiniyak naman ng European-Union ang patuloy na suporta at pakikiisa sa mga Filipino at maging sa buong mundo sa pamamagitan ng Copernicus Programme na tumutulong sa pagbabantay sa pag-inog ng mundo.

Ayon kay Acting EU Ambassador to the Philippines Rafael de Bustamante, gamit ang kaalaman sa siyensya ay tutulong ito sa mga bansa upang mapagtibay ang mga programang tutugon sa pagbabago ng mundo at kalikasan.

“The Copernicus Programme is a foundation of the European Union’s efforts to monitor the Earth’s from space, to ensure that institutions and citizens in Europe and across the globe become more effective in understanding our planet, sustainably manage the environment, and are better prepared and protected in the face of crises and natural disasters,” bahagi ng pahayag ni Bustamante.

Dagdag pa ng opisyal, palalakasin ng Pilipinas at EU ang ugnayan sa pamamagitan ng Copernicus lalo’t malaking banta sa bansa ang malalakas na bagyo.

Magugunitang noong 2013 nang manalasa ang bagyong Yolanda at puminsala sa malaking bahagi ng Visayas, nagsagawa ng damage assessment ang Copernicus Emergency Team gamit ang very-high-resolution optical imagery kung saan detalyado ang mga datos na nakukuha sa lugar na pinangyarihan na makatutulong sa mas mabilis na pagtugon.

Ika-6 ng Pebrero ginanap ang 2nd National Conference on Space Programme Copernicus sa Makati kung saan dumalo sa pagtitipon ang mga kinatawan mula sa Department of Science and Technology at Department of Environment and Natural Resources.

Nakatulong din ang programa noong pumutok ang bulkang Taal noong Enero kung saan ginamit ang mga makabagong teknolohiya sa pagmonitor at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon.

Ang mga impormasyong nakukuha ng Copernicus ay nakapagpapatibay sa pagpatupad ng mga mga hakbang sa risk reduction.

“Not only does the Philippines want to ensure its land and marine environment are healthy but its citizens rightly demand resilience against the effects of climate change and natural disasters,” saad ni Bustamante.

Nagbigay rin ng keynote address sina Dr. Philippe Brunet, ang dating EU Director for Space Policy, Copernicus Programme and Defence at kasalukuyang Principal Advisor to the European Commission Directorate for Cooperation Development at si Department of Science and Technology Secretary Fortunato de la Peña.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 105,258 total views

 105,258 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 229,669 total views

 229,669 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 269,987 total views

 269,987 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 344,225 total views

 344,225 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top