Kapatiran2020: Maging matatag na tulay nang paglilingkod

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 555 total reads

Dapat na magsilbing matatag na tulay at tagapamagitan ng Panginoon sa sangkatauhan ang mga lingkod ng simbahan.

Ito ang hamon ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona sa mga delegado ng KAPATIRAN 2020- ang taunang pagtitipon ng mga Theology Seminarians and Formators sa Pilipinas.

Sa homiliya ng Arsobispo sa ginawang opening mass sa Minor Basilica of Our Lady of Peñafrancia, Naga City binigyang diin ng arsobispo na upang maging makatotohanang tulay ng pag-ibig, habag at awa ng Panginoon ay mahalagang magkaroon ng matatag na pundasyon ang bawat lingkod ng Simbahan.

“And for us to be Pontes–Bridges now and in the future of God towards people we must be strong, we must have strong pillars, we must have very strong foundations,” ang bahagi ng pagninilay ni Archbishop Tirona sa opening mass ng KAPATIRAN 2020.

Pagbabahagi ng Arsobispo, may tatlong pundasyon na kakailangan ang lahat ng mga nagnanais na magsilbing matatag na tulay ng Panginoon sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita, ito ay ang pagiging malapit sa Panginoon, pagmamahal sa Simbahan at pagmamahal sa mga mahihirap.

Ayon kay Archbishop Tirona ang pananalangin ang isang paraan upang mas mapalalim pa ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon na pinakamahalagang pundasyon na kakailanganin ng mga lingkod ng Simbahan upang maging matatag sa kanilang bokasyon at buhay.

“First and foremost, we must be seminarians honed, sharpened, developed in intimacy with God because this intimacy, this heart to heart relationship with the Divine is what will sustain us to the thickness and thinness of our life, of our pastoral ministry,” dagdag pa ng arsobispo.

Tema ng KAPATIRAN 2020 ngayong taon ang Ad Communionis Pontes Faciendos–Building Bridges of Communion na naglalayong maipahayag ang pakikipag-isa kay Hesus at bilang tugon na rin sa panawagan ng Panginoon na pakikipagkapwa tao sa bawat isa.

Paliwanag ni Archbishop Tirona, ang pagtitipon ay isang pagkakataon hindi lamang para sa mga seminarista kundi sa bawat lingkod ng Simbahan na mas malalim ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon, muling mapanariwa ang bokasyon at tunay na makapaglingkod sa mga mahihirap.

Katuwang ni Archbishop Tirona sa opening mass ng KAPATIRAN 2020 sina Legazpi Bishop Joel Baylon at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas na siyang Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Seminaries.

Ang Holy Rosary Major Seminary sa Archdiocese of Caceres ang nagsilbing host ng KAPATIRAN 2020 ngayong taon kung saan nagmula ang mga delegadong seminarista mula sa 19 na mga miyembro seminaryo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 12,012 total reads

 12,012 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 49,301 total reads

 49,301 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 275,571 total reads

 275,571 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 169,038 total reads

 169,038 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 262,473 total reads

 262,473 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top