Manila at anim pa ‘sede vacante’: Cardinal Tagle, nagtungo na sa Roma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 699 total reads

Kasabay ng pag-alis ni Cardinal Luis Antonio Tagle patungong Roma, anim na ang sede vacante sa Pilipinas kabilang ang Arkidiyosesis ng Maynila.

Patuloy pa ring inaantabayanan ng mga Filipino ang anunsyo ng Vatican sa paghirang ng bagong arsobispo ng Maynila na mangangasiwa sa halos apat na milyong Katoliko.

Hiling ni Cardinal Tagle sa mamamayan ang taos pusong pananalangin sa gabay ng Espiritu Santo habang hinihintay ang pagtatalaga ng bagong pinuno ng arkidiyosesis.

“Let us pray for docility to the Holy Spirit as we continue our life as an Archdiocese and await the next Archbishop,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Tagle.

Matatandaang ika-8 ng Disyembre ng italaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Cardinal Tagle bilang pinuno ng Congregation for the Evagelization of Peoples, ang isa sa matataas ng tanggapan sa Vatican.

Tiniyak ng Cardinal na laging nasa puso nito ang mga Filipino at kabilang sa kanyang mga panalangin habang hiling sa mamamayan patuloy ipagdasal ang mas malawak na bagong misyon sa Simbahang Katolika.

“I will always treasure my time with you; you can count on my prayers and please pray for me and my mission as well,” saad ng Cardinal.

Bukod sa bagong posisyon si Cardinal tagle rin ang kasalukuyang pangulo ng Caritas Internationalis at Catholic Biblical Foundation.

Ang 62 taong gulang na si Cardinal Tagle ay tubong Cavite at nagsilbi rin bilang obispo ng Imus bago naitalagang arsobispo ng Maynila sa loob ng 9 na taon.

Bukod sa Arkidiyosesis ng Maynila, wala pa ring itinalagang obispo ang Santo Papa sa Alaminos; Jolo, Sulu; San Jose Mindoro, Taytay Palawan at ang Nunciature.

Ang Archdiocese of Manila ay may higit sa tatlong milyong populasyon ng mga Katoliko na binubuo ng 86 na parokya na pinangangasiwaan ng higit sa 500 mga pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 12,060 total reads

 12,060 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 49,348 total reads

 49,348 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 275,618 total reads

 275,618 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 169,085 total reads

 169,085 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 262,517 total reads

 262,517 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top