Kabataan, manindigan sa West Philippine Sea

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 660 total reads

Nararapat ring makibahagi sa paninindigan sa soberanya ng bansa ang mga kabataan.

Ito ang panawagan ni Akbayan Youth Chairperson Rafaela David kaugnay sa inilabas na desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Netherlands pabor sa isinampang kaso ng Pilipinas laban sa China hinggil sa Maritime Entitlement ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea.

Paliwanag ni David, sa kabila ng pagpabor ng International Arbitral Court sa panig ng Pilipinas ay hindi pa rin nararapat na tumigil ang mga Filipino partikular na ang mga kabataan sa pagsusulong ng paninindigan sa soberenya lalo’t una na nang iginiit ng China ang hindi pagkilala sa desisyon ng korte.

“Ang panawagan natin sa mga henerasyon ngayon yung tinatawag nating ‘Millennials’ ay dapat sumama tayo sa laban na ito meron na tayong mga ilang kabataang sumama, may mga ilan ngang pumunta pa doon para sabihing ‘sa atin ito kaya pwede tayong pumunta kahit kelan natin gusto’ kaya sumama dun sa ganung klaseng kampanya, ganung klaseng laban para sa ating kalayaan dahil sa huli itong bansang ito ay para sa atin din namang mga kabataan…” ang bahagi ng pahayag ni David sa panayam sa Radio Veritas.

Matatandaang, aabot sa 10,000 na kumakatawan sa iba’t ibang lalawigan sa bansa ang lumahok sa Freedom Voyage na paglalayag sa karagatang sakop ng West Philippine Sea upang manindigan at ipakita ang pagkakaisa ng kabataang Filipino sa naturang usapin.

Samantala, ang pinag-aagawang teritoryo ay saklaw ng 200-nautical miles Exclusive Economic Zone ng Pilipinas batay na rin sa 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Hulyo ng nakalipas na taon nang nagpalabas ng Oratio Imperata ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na nananawagan sa mga mananampalataya na mag-alay ng panalangin para sa payapang paglutas sa territorial dispute sa West Philippine Sea.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 45,102 total reads

 45,102 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 130,467 total reads

 130,467 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 177,203 total reads

 177,203 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 225,075 total reads

 225,075 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 326,944 total reads

 326,944 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top