163 total views
Sinang – ayunan ng dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippine, Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang desisyon ng Department of Budget and Management (DBM) na tanggalin ang ipinairal ng Aquino administration na “bottom up budgeting.”
Ayon kay Archbishop Cruz mahalagang maidugtong sa naturang hakbang ay ang pagpapatupad na ng “Freedom of Information,” upang magkaroon ng batayang impormasyon ang taumbayan kung saan napupunta ang pondo ng bayan.
Kumpiyansa naman ang arsobispo na mas mapagtitibay ang pagiging transparent ng gobyerno kung gagawin ng batas ang “FOI Bill” at mawawala na ang pagdududa ng publiko sa tahasang korapsyon na ginagawa ng mga pulitiko.
“Kung tutuusin mo talaga maraming bagay ang hindi natin alam kung magkano, kanino, kung gaano katagal dapat ang pera na yun ay dapat gastusin. Salamat titingnan muli kung paano ang gagawing proseso. Pero nais ko sanang idugtong kaagad na maganda sa lahat diyan ay yung ‘Freedom of Information Bill’ ay pipirmahan na. Samakatuwid, mas gustong malaman ng mamamayan kung saan napupunta yung pera na ibinabayad nilang mga buwis ng iba’t ibang pangalan kung saan napupunta because of the ‘Freedom of Information Bill,’” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.
Mula noong maging ganap ang BuB program gumastos na ang gobyerno ng P74 na bilyong piso para sa 54 na libong BuB projects.
Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika kinakilangang pahalagahan ng mga pinuno ang pagiging malinaw kung saan napupunta ang pera ng bayan at hindi lamang nauuwi sa korapsyon na laging isinasaalang – alang ang kabutihang pang lahat.