“God-centered marriage”, isinusulong ng PAG-IBIG fund.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 420 total views

Inihayag ng pamunuan ng Pag-IBIG Fund na mas palawakin pa ang paghahatid ng serbisyo sa mga Filipino.

Ayon kay PAG-IBIG Fund CEO Acmad Rizaldy Moti, bilang institusyon pinangangalagaan din nito ang paghubog sa kapakanan ng mga kasapi at maipakita sa publiko ang bunga ng kanilang pinaghihirapang kita.

Bilang balik handog matagumpay ang ikasiyam na taong “I Do, I Do! Araw ng Pag-IBIG” program ng Pag-IBIG Fund tuwing Valentines Day.

“Tinutulungan din natin ang mga mag-asawa na hindi pa kasal na mapagtibay ang kanilang pagsasama; part din ito ng corporate social activity ng Pag-IBIG at the same time highlights din sa social benefits [ng Pag-IBIG],” pahayag ni Moti sa panayam ng Radio Veritas.

Nasa 1, 000 member – couple ang nakinabang sa programa ng Pag-IBIG sa 11 lugar sa bansa kung saan 300 sa Metro Manila na ginanap sa The Tent City ng The Manila Hotel sa pangunguna ni Manila Mayor Francisco Domagoso.

Sa panayam sa alkalde, pinaalalahanan nito ang mga mag-asawa na laging kumapit sa Panginoon upang higit na mapagtibay ang kanilang samahan sa gitna ng mga hamong kakaharapin.

“Mahalaga talaga na God-centered kayo [mag-asawa] kasi yun ang magpapatibay sa pundasyon bilang mag-asawa,” ayon kay Domagoso.

Bukod sa Metro Manila, isinagawa rin ang “I Do, I Do! Araw ng Pag-IBIG” sa Bulacan, Laguna, Bicol, Cebu, Negros Occidental, Cagayan De Oro, at Davao.

Nagsagawa rin ng mass wedding ang ilang simbahan sa bansa tuwing Araw ng Puso bilang hakbang sa pagpapatibay ng mga pamilya na makatanggap ng sakramento ng pag-iisang dibdib.

Una na rito ang Prelatura ng Marawi na pinangunahan ni Bishop Edwin Dela Peña ang pag-iisang dibdib ng 44 na live in partners habang sa Our Lady of Light naman sa Diyosesis ng Tagbilaran ikinasal ang 16 na pares ng mag-asawa.

Read: https://www.veritas846.ph/kasalang-bayan-isasagawa-ng-prelatura-ng-marawi-tuwing-valentines-day/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 23,371 total views

 23,371 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 41,271 total views

 41,271 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 87,837 total views

 87,837 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 76,268 total views

 76,268 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 96,008 total views

 96,008 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top