Mamamayan, makiisa sa Barangay at SK elections-PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 409 total reads

“Sa barangay nagsisimula ang paghubog sa pagiging isang aktibo at mabuting mamamayan kaya’t nararapat lamang ang partisipasyon ng bawat isa sa halalang pambarangay.”

Ito ang panawagan ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting Chairperson Henrietta De Villa kasabay ng muling pagbubukas ng Comelec o Commission on Elections ng pagpapatala sa mga hindi pa nakarehistrong botante kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Giit ni De Villa, mahalagang makibahagi ang bawat isa sa Barangay at SK Elections na nakatakda sa darating na Oktubre.

“Kailangan sumali diyan kasi sa barangay nangyayari yung Good Governance, yung first experience in participation in good governance doon din sa Barangay at saka that is where closest means of being involve and participate in governance through the Barangay kasi yan ang community level of organizing people participation in administration…” ang bahagi ng pahayag ni De Villa sa panayam sa Radio Veritas.

Samantala, nasasaad sa Republic Act No. 9340 na pagsasagawa ng Barangay Elections sa darating na Oktubre habang nasasaad naman sa bagong SK Reform Law na maaring bumoto sa SK ang mga may edad na 15 hanggang 30-taong gulang ngunit ang maari lamang tumakbo ang edad 18 hanggang 24-taong gulang.

Kaugnay nito, batay sa tala ng NAMFREL umabot sa 81-porsyento ang vote turnout rate noong nakalipas na May 9 National at Local Elections mula sa 54.6 na milyong rehistradong botante na mayroon ring pagkakataong bumoto para sa Barangay Elections.

Sa nagdaang May 9 national elections, sa ulat ng Comelec, sa 54 milyon na rehistradong botante, humigit-kumulang 20 milyon dito mga kabataan.

Samantala, patuloy rin ang paghihikayat ng CBCP o Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa publiko na huwag balewalain ang kasagraduhan ng pagboto, bilang isang mahalagang sangkap ng demokrasya at unang hakbang para sa pagbabago ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 42,008 total reads

 42,008 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 127,372 total reads

 127,372 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 174,109 total reads

 174,109 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 221,981 total reads

 221,981 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 324,004 total reads

 324,004 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top