Lenten Recollection ni Cardinal Tagle sa Italya, ipinagpaliban dahil sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 450 total views

Pansamantalang ipinagpaliban ang nakatakda sanang ‘Lenten Recollection’ na pangungunahan ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle sa Italya.

Ayon kay Fr. Gregory Gaston, rector ng Ponticio Collegio FilLipino at coordinator ng Pastoral Care of the Overseas Filipino Community sa Italya, ito ay dahil na rin sa banta ng corona virus disease o COVID-19.

“May recollection sana with Cardinal Tagle, marami na nagsign-up all over Italy kaso gawa nga ng cancel ang mga school sabi namin out of respect sa Italian government i-cancel na rin muna namin,” ayon pa kay Fr. Gaston.

Ito sana ang kauna-unahang recollection ni Cardinal Tagle sa Italya simula ng maitalaga bilang Prefect of the Congregation of Evangelization of Peoples.

Nakatakda sana ang recollection ni Cardinal Tagle sa ika-15 ng Marso.

Bukod sa recollection ni Cardinal Tagle, ilang ding malalaking pagtitipon sa Roma ang ipinagpaliban kabilang na dito ang Pope’s Economic Summit na ‘The Economy of Francesco’ at ang Pope Francis’ Global Compact on Education na isasagawa sana ngayong Marso at Mayo.

Una na ring ipinag-utos ng pamahalaan ng Italya ang suspensyon ng klase sa mga paaralan at unibersidad lalu’t umabot na sa higit tatlong libo ang nagpositibo sa COVID-19 kabilang na ang 107 nasawi dulot ng virus.

Sa kasalukuyan si Cardinal Tagle ay dumadalo sa weeklong retreat sa Castel Gandolfo kung saan hindi naman nakadalo si Pope Francis dahil na rin sa kaunting karamdaman.

Ito ang kauna-unahang pagliban ng Santo Papa Francisco sa ‘retreat’ sa loob ng 7-taong panunungkulan bilang pinuno ng simbahang Katoliko.

Una na ring napaulat na ligtas ang Santo Papa mula sa COVID-19 matapos ang ginawang pagsusuri.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 14,083 total views

 14,083 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 64,097 total views

 64,097 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 59,966 total views

 59,966 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 96,138 total views

 96,138 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 104,231 total views

 104,231 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top