Panawagan sa student priests sa Italya: Tugunan ang spiritwal na pangangailangan ng mga migrante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 703 total reads

Ilaan sa pananalangin at pagkalinga sa mga migrante sa Italya.

Ito ang panawagan ni Bishop Ruperto Santos-chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines- Episcopal Commission on Pontificio Collegio Fillipino sa mga paring nag-aaral sa Roma.

Ang mungkahi ay kasunod na rin ng sampung araw na kanselasyon ng klase sa italya dahil na rin sa banta ng corona virus disease o COVID-19.

“Make use of the time to spend with the migrant workers, to pray and always remind them of the necessary personal hygiene and always follow the directive of the city government, of the national government,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam sa Radyo Veritas.

Ayon sa obispo, bukod sa pagdarasal hindi na kumalat at makahanap ng lunas sa COVID-19 dapat ding gamitin ang bakanteng panahon upang damayan ang mga nangangailangan lalu na ang mga migrante sa bansa.

“This Lenten season let us always do what is necessary especially trials and sacrifices and offer it na kung saan ay mawala na ang epidemic na COVID-19,” ayon pa sa obispo.

Inihayag pa ni bishop Santos na bagamat walang klase ang mga mag-aaral ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma ay patuloy naman ang pagkakaloob ng serbisyong pang-espiritwal ng mga mag-aaral para sa mga Filipino migrants sa kabila ng banta ng COVID-19.

Ayon sa obispo, may 40 ang bilang ng mga Filipinong mag-aaral ang collegio bukod pa sa may 13 dayuhang mag-aaral mula sa Africa at South Korea.

Ang Italya ay binubuo ng may 200 libong OFW’s na karaniwang matatagpuan sa Roma at Milan. (Reynalynn Letran)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 36,825 total reads

 36,825 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 87,281 total reads

 87,281 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 135,152 total reads

 135,152 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 239,100 total reads

 239,100 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 323,326 total reads

 323,326 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top