Lenten Recollection ni Cardinal Tagle sa Italya, ipinagpaliban dahil sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 572 total reads

Pansamantalang ipinagpaliban ang nakatakda sanang ‘Lenten Recollection’ na pangungunahan ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle sa Italya.

Ayon kay Fr. Gregory Gaston, rector ng Ponticio Collegio FilLipino at coordinator ng Pastoral Care of the Overseas Filipino Community sa Italya, ito ay dahil na rin sa banta ng corona virus disease o COVID-19.

“May recollection sana with Cardinal Tagle, marami na nagsign-up all over Italy kaso gawa nga ng cancel ang mga school sabi namin out of respect sa Italian government i-cancel na rin muna namin,” ayon pa kay Fr. Gaston.

Ito sana ang kauna-unahang recollection ni Cardinal Tagle sa Italya simula ng maitalaga bilang Prefect of the Congregation of Evangelization of Peoples.

Nakatakda sana ang recollection ni Cardinal Tagle sa ika-15 ng Marso.

Bukod sa recollection ni Cardinal Tagle, ilang ding malalaking pagtitipon sa Roma ang ipinagpaliban kabilang na dito ang Pope’s Economic Summit na ‘The Economy of Francesco’ at ang Pope Francis’ Global Compact on Education na isasagawa sana ngayong Marso at Mayo.

Una na ring ipinag-utos ng pamahalaan ng Italya ang suspensyon ng klase sa mga paaralan at unibersidad lalu’t umabot na sa higit tatlong libo ang nagpositibo sa COVID-19 kabilang na ang 107 nasawi dulot ng virus.

Sa kasalukuyan si Cardinal Tagle ay dumadalo sa weeklong retreat sa Castel Gandolfo kung saan hindi naman nakadalo si Pope Francis dahil na rin sa kaunting karamdaman.

Ito ang kauna-unahang pagliban ng Santo Papa Francisco sa ‘retreat’ sa loob ng 7-taong panunungkulan bilang pinuno ng simbahang Katoliko.

Una na ring napaulat na ligtas ang Santo Papa mula sa COVID-19 matapos ang ginawang pagsusuri.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 36,839 total reads

 36,839 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 87,295 total reads

 87,295 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 135,166 total reads

 135,166 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 239,114 total reads

 239,114 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 323,338 total reads

 323,338 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top