Environmental groups, bibigyan proteksyon ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 415 total reads

Poproteksyunan ng Department of Environment and Natural Resources ang mga environmentalist laban sa pang-aabuso at pagpaslang ng malalaking kumpanya na sumisira sa kalikasan.

Ayon kay DENR-Mines and Geosciences Bureau Director Engr. Leo Jasareno, mas kikilalanin ng kagawaran at bibigyang importansya ang malaking tulong ng mga Non-Government Organizations at Civil Society groups sa pagbabantay sa kilos ng mga kumpanyang umaabuso sa kalikasan.

“Sa ilalim ng bagong administrasyon ni Kalihim Gina Lopez, unang-una i-empower natin yung mga NGOs, Civil Society, para magkaroon sila ng mas malakas na boses sa DENR at sa pagpatakbo ng environmental protection,” pahayag ni Jasareno sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ni Jasareno, bibigyan ng DENR ng karagdagang proteksyon ang mga makakalikasang grupo, dahil hindi biro ang mga kumpanyang kinakalaban nito, para lamang maipagtanggol ang kalikasan.

“Bibigyan sila ng protection ng ating estado, tulad ng mga proteksyon na ibinibigay sa ating mga regular na empleyado. Assured po tayo na ang mga environmentalist ay kaagapay natin sa pagpapatupad ng batas para maproteksyonan ang environment,” dagdag pa niya.

Sa tala ng Global Witness, isang UK based watchdog, noong 2015 ay umabot sa 185 ang environmental activist na pinaslang.

Sa Brazil naitala ang pinakamaraming napaslang na umabot sa 50, kabilang dito ang mga campaigners na tumututol sa illegal logging sa Amazon.

Pangalawa naman ang Pilipinas na may 33 environmental activist habang 26 sa Colombia, 12 sa Peru, 12 sa Nicaragua, at 11 sa Democratic Republic of Congo.

Matatandaang nito lamang unang araw ng Hulyo, isang anti-coal crusader ang pinaslang sa Bataan dahil sa pagtataguyod nito ng malinis na kalikasan at malusog na pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 59,037 total reads

 59,037 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 95,207 total reads

 95,207 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 130,506 total reads

 130,506 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 356,777 total reads

 356,777 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 246,900 total reads

 246,900 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 36,557 total reads

 36,557 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 29,448 total reads

 29,448 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top