Banal na misa sa Diocese of Cubao, kanselado.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 71,810 total reads

Kanselado na ang mga banal na misa para sa publiko sa Diyosesis ng Cubao kaugnay sa patuloy na pagkalat ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa liham pastoral ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco, inihayag nitong kinakailangang sundin ng simbahan ang Community Quarantine na ipatutupad ng pamahalaan.

Simula bukas, araw ng Sabado, ika-14 ng Marso, hindi na maaaring magsagawa ng Public Masses sa lahat ng parokya o bisita na nasasakupan ng Diyosesis.
Gayunman hinihikayat pa rin ni Bishop Ongtioco ang mga pari na magsagawa ng kanilang private mass upang patuloy na ipanalangin ang mga mananampalataya at upang mawakasan na ang pagkalat ng COVID-19.

Nag-anyaya din si Bishop Ongtioco sa mga mananampalataya na panoorin ang kaniyang Online Mass tuwing alas otso ng umaga sa Facebook page na Roman Catholic Diocese of Cubao.

Ipinaliwanag pa ng Obispo, ang pag-aalis ng Sunday Obligation na nangangahulugang hindi magkakasala ang isang tao kahit hindi ito makapagsimba sa araw ng Linggo, na nasasaad sa sampung utos ng Diyos.

“There will be no public celebration of Holy Mass in all the parish churches and chapels in the Diocese of Cubao starting tomorrow, March 14, 2020. I hereby grant Dispensation to all our Catholic faithful from their Sunday obligations during the cancellation… We entrust ourselves to the mercy of God who knows the difficulties of our situation. He who is greater than our hearts knows our fears and anxieties and will never abandon us. With Saint Paul we declare, “nothing can separate us from the love of God that is in Christ Jesus our Lord.” (Romans 8:39) ” Bahagi ng liham pastoral ni Bishop Ongtioco.

Sa halip, hinihiling nito sa mga pamilya na maglagay ng munting altar sa kanilang tahanan upang doon manalangin at basahin ang mga nakatakdang pagbasa ng salita ng Diyos sa bawat araw.

Paiigtingin din ang pananalangin ng Oratio Imperata sa buong diyosesis kasabay ang pagpapatunog ng mga kampana ng alas sais ng umaga, alas dose ng tanghali at alas sais ng gabi, kasama ang pananalangin ng Angelus.

Sa kasalukuyan, hindi pa nakatitiyak ang Diyosesis kung hangang kalian kakanselahin ang mga banal na misa at ang paggagawad ng mga Sakramento.

Sa kabila nito, bubuksan pa rin ang ilang mga simbahan para sa mga nagnanais magdasal ng tahimik, gayunman ang mga Adoration Chapels ay mananatiling nakasara. Sa kabuuan ang Diyosesis ng Cubao ay mayroong 47 mga parokya na pansamantalang titigil sa pagsasagawa ng pampublikong banal na misa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 21,597 total reads

 21,597 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 58,343 total reads

 58,343 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 284,613 total reads

 284,613 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 178,080 total reads

 178,080 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 270,949 total reads

 270,949 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,759 total reads

 34,759 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,653 total reads

 27,653 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top