Quiapo church, 24-oras na bukas sa mananampalataya.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,010 total reads

March 13, 2020, 4:01PM

Tiniyak ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene na malinis ang buong paligid nito kabilang na ang loob ng Simbahan para sa kaligtasang pangkalusugan ng mananampalataya.

Ayon kay Reverend Father Douglas Badong, ang parochial vicar ng St. John the Baptist Parish o Quiapo Church, ito ay pagtugon upang makaiwas sa posibleng pagkalat ng virus lalo’t natutulog sa loob ng simbahan ang mga walang masisilungan na nasa paligid ng Basilica.

“Nagkaroon ng pag-disinfect sa loob at labas ng simbahan so ang paglilinis ay talagang masusing tinututukan,” pahayag ni Fr. Badong sa Radio Veritas.

Sinabi ng pari na mananatiling bukas ang simbahan 24-oras para sa mga taong nais magdasal at nangangailangan ng kalingang espiritwal ngunit mahigpit ipapatupad ang ibayong pag-iingat.

Hinimok ni Fr. Badong ang mga may karamdaman at senior citizen na kung maari ay huwag munang magtungo sa Quiapo Church sa halip ay tumutok na lamang sa isasagawang livestreaming ng mga misa sa facebook page ng simbahan upang makaiwas sa banta ng corona virus.

“Bukas pa rin 24/7 ang simbahan pero siyempre dobe at ibayong pag-iingat ang i-implement dito sa Quiapo church,” saad ng pari.

Bilang bahagi rin ng pag-iingat pansamantalang isinara ng pamunuan ng Basilica ang pahalik sa mga imahe ng santo.

Mungkahi naman ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa pamunuan ng Quiapo na pansamantalang isapribado ang pagsasagawa ng misa ng simbahan upang maiwasan ang pagtitipon ng maraming tao batay na rin sa panawagan ng pamahalaan sa patnubay ng Department of Health.

Hiling nito sa bawat isa na makipagtulungan upang mapigilan ang pagkalat ng COVID 19 sa bansa na sa kasalukuyan ay nasa 52 na ang nagpositibo habang lima ang binawian ng buhay dulot ng komplikasyon

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 11,372 total reads

 11,372 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 97,964 total reads

 97,964 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 135,338 total reads

 135,338 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 166,598 total reads

 166,598 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 238,876 total reads

 238,876 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top