Traditional Media sa halip na social media, para makaiwas sa Fake News

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 629 total views

March 13, 2020-12:11nn

Hinihikayat ng social communications ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na muling bumalik sa paggamit ng traditional media sa halip na umasa sa mga impormasyong nagmumula sa internet at social media.

Ayon kay Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr.–chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Social Communications, ito ay upang makaiwas sa fake news na naghahatid ng pangamba at takot lalu na sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Paliwanag ng Obispo, kumpara sa internet at social media mas mapagkakatiwalaan ang mga impormasyon mula sa radyo, telebisyon, at peryodiko.

“I would request people to go back to the traditional media muna and try to see when it comes to COVID, ano yung mga sinasabi ng traditional media because a little bit more they are credible because alam mong hindi sila fake news,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Maralit sa panayam sa Radyo Veritas.

Nauna ng pinaigting ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group ang isinasagawang “cyber patrolling” ng ahensya sa iba’t ibang social media sites upang labanan ang pagkalat ng mga fake news kaugnay sa COVID-19 outbreak.

Mapaparusahan ng anim na buwan hanggang 10-taong pagkakakulong ang mapapatunayang nagpapakalat ng fake news online na maaring magdulot ng takot at matinding pangamba sa publiko.

Matapos na ideklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte pagtataas ng alert system ng bansa sa Code Red Sub-level 2 sa pagkalat ng COVID-19 ay ipapatupad naman ang Community Quarantine sa buong Metro Manila sa loob ng 30-araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 175,528 total views

 175,528 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 205,751 total views

 205,751 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 232,397 total views

 232,397 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 327,370 total views

 327,370 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 337,026 total views

 337,026 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top