Ilang bayan ng Bataan, suspendido ang misa; Paglilinis ng bawat Parokya, ipinag-utos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 681 total reads

March 14, 2020-11:53am

Ipinag-utos ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos sa lahat ng mga kura paroko sa diyosesis ang dis-infection sa mga parokya at mga kapilya sa buong diocese ng Balanga, Bataan bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng coronavirus disease o covid-19.

Tagubilin din ng obispo ang paglalagay ng mga alcohol, sanitizers, at pagtiyak sa laging pagsusuot ng face mask ng mga lay ministers at iba pang mga naglilingkod sa loob ng simbahan.

“We have mandated all the parish priests of the Diocese to disinfect their parochial churches and barangay chapels, to provide alcohol and sanitizer, and lay ministers to wear face masks,” ayon kay Bishop Santos.

Ayon kay Bishop Santos, tulad ng mga doctor, nurse at health workers- ang mga pari at kawani ng parokya ay nagsisilbing front-liners ng simbahan.

“I told my priests, that we, like them also be front-liners now before God for them. So, we have to open our Church, celebrate Holy Masses and pray for them. As they do their works, we should do our ministry: pray and celebrate the Sacraments. Yet, we take necessary precautions,” dagdag pa ng obispo.

Paliwanag ng obispo, mahalaga at kinakailangan ng bawat isa ang panalangin para sa paggabay ng Panginoon kaya’t mahalagang tulad ng mga health workers ay manatiling ring bukas ang mga simbahan at patuloy ang mga pari sa pagsasagawa ng mga sakramento tulad ng pagsasagawa ng banal na misa.

Ipinag-utos naman ng obispo ang pagpapaliban ng misa sa mga parokya at malakihang pagtitipon sa bayan ng Orani, Tapulao at Balanga makaraang may naiulat na nagpositibo sa COVID 19.

Pinapayuhan naman ng obispo ang mga matatanda ay may karamdaman na manatili na lamang sa kanilang bahay at makibahagi sa banal na misa sa pamamagitan ng live streaming.

Batay sa tala, mayroong 56 na mga pari ang Diocese ng Balanga na binubuo ng 38 na mga parokya na kumakalinga sa 650-libong katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 21,566 total reads

 21,566 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 58,316 total reads

 58,316 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 284,586 total reads

 284,586 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 178,053 total reads

 178,053 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 270,922 total reads

 270,922 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top