Enhanced Community Quarantine, forced retreat sa mga kabataan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 688 total views

March 18, 2020, 3:39PM

Umaasa ang CBCP – Episcopal Commission on Youth na maging daan ang kasalukuyang Enhanced Community Quarantine upang mamulat ang kabataan sa kahalagahan ng mga bagay na kadalasang naisasantabi lamang sa pang-araw-araw.

Ito ang payo sa mga kabataan ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon – chairman ng kumisyon upang maging makabuluhan ang kanilang libreng oras at panahon matapos suspendihin ng isang buwan ang klase ng mga mag-aaral.

Ayon sa Obispo, nawa ay mas maunawaan ng mga kabataan ang kahalagahan ng oras para sa pamilya, sa pagninilay at pananalangin ngayong panahon ng Kwaresma na tila sapilitang pagsasailalim sa retreat ng bawat isa.

“Particularly in this time of Lent, it’s a different kind, type of observance of Lent na talagang parang forced retreat tayo yung mga ibang naka-quarantine ng 14 days walang labas yan, people might be bored but you know it’s a matter of life for us, so ano ba ang pwedeng gawin ng mga kabataan na ngayon ay nasa bahay tayo then we can begin to value the things that we often times neglect like time with our family, time to reflect, time to pray…”pahayag ni Bishop Alarcon sa panayam sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ng Obispo na bukod sa patuloy na pag-aaral at pagtatrabaho maging sa tahanan ay isa ring pagkakataon ang kasalukuyang Enhanced Community Quarantine upang higit na mapalalim ang relasyon ng buong pamilya sa pamamagitan ng pagsusuri sa sarili.

Iginiit ni Bishop Alarcon na hindi dapat ituring ng mga kabataan na bakasyon ang kasalukyang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon sa halip ay isang emergency o biglaang pangangailangan upang pansamantalang huminto at maging sensitibo sa mga bagay na nagaganap sa kapaligiran.

“it’s a call for us well hindi lang call we are forced to stop a bit, to slow down a bit and to be sensitive to what is happening around us of course it is not a vacation it is an emergency life is at stake…” Dagdag pa ni Bishop Alarcon.

Samantala, matapos na ideklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte pagtataas ng alert system ng bansa sa Code Red Sub-level 2 dahil sa pagkalat ng COVID-19 ay pinalawig na rin sa buong Luzon ang 30-araw na Enchanced Community Quarantine na magtatagal hanggang sa ika-14 ng Abril.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 102,207 total views

 102,207 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 226,618 total views

 226,618 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 267,085 total views

 267,085 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 341,551 total views

 341,551 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Community pantry, pinalawak ng CMSP

 8,191 total views

 8,191 total views Patuloy ang pagsusumikap ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa programa nitong “CMSP CARES,” na isang community pantry na

Read More »
Scroll to Top