Quiapo church, kanlungan ng walang matutuluyan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 787 total reads

March 18, 2020, 3:15PM

Ibinahagi ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo church na nanatiling kanlungan ng mga walang matutuluyan ang simbahan sa kabila ng banta ng corona virus disease.

Ayon kay Reverend Father Douglas Badong, parochial vicar ng Basilica, patuloy na nililingap ng simbahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno ang higit nangangailangan sa lipunan lalo na ang mga nasa paligid nito.

“Nagiging shelter yung simbahan para sa mga walang matutuluyan lalo na sa gabi,” pahayag ni Fr. Badong sa Radio Veritas.

Sinabi ng Pari na matagal ng ginagawa ng lingapin ang mga nangangailangan ng pahinga partikular sa espiritwal na aspeto ng buhay.

Para mas maging ligtas, kinukuha ng pamunuan ng Basilica ang pangalan ng mga natutulog sa loob ng simbahan na tinatayang nasa 50 katao gabi-gabi at mahigpit ding ipinatutupad ang safety protocols batay sa payo ng Department of Health at sa panuntunang inilabas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Bukod dito, may mga grupo na karamihan ay kasapi ng mga Hijos ang nagpapakain katuwang ang Quiapo Church sa mga taong nasa paligid ng Basilica gaya ng vendor.

Tiniyak ni Fr. Badong na bagamat may natutulog sa loob ng simbahan ay malinis ito para sa mga nagsisimba sapagkat inuuna ng pamunuan ang kaligtasang pangkalusugan ng publiko.

“Dini-disinfect yung kanilang hinihigaan para malinis talaga, bago pa man yung issue ng COVID 19, ngayon mas doble yung paglilinis na ginagawa,” ayon pa sa pari.

Sinabi pa ni Fr. Badong na sa pagitan ng alas otso at alas nuwebe nagsisipasok ang mga nais matulog sa simbahan at lalabas naman ito alas tres ng madaling araw bilang paghahanda sa mga banal na gawain.

Sa kasalukuyan, isinasara ang simbahan sa tuwing may Banal na Misa para sa facebook livestreaming ng Quiapo Church upang maiwasan ang pagtitipon ng maraming tao ngunit binigyang diin na nananatiling bukas ang Simbahan sa mga nais magdasal.

“Pwede pa rin kayo pumunta sa simbahan ng Quiapo para magdasal, mag istasyon ng krus, mag-rosaryo o di kaya’y mangumpisal handa kami na tanggapin kayo,” saad ni Fr. Badong.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 2,943 total reads

 2,943 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 9,364 total reads

 9,364 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 46,903 total reads

 46,903 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 273,173 total reads

 273,173 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 166,639 total reads

 166,639 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 260,210 total reads

 260,210 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top