Enhanced Community Quarantine, forced retreat sa mga kabataan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 894 total reads

March 18, 2020, 3:39PM

Umaasa ang CBCP – Episcopal Commission on Youth na maging daan ang kasalukuyang Enhanced Community Quarantine upang mamulat ang kabataan sa kahalagahan ng mga bagay na kadalasang naisasantabi lamang sa pang-araw-araw.

Ito ang payo sa mga kabataan ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon – chairman ng kumisyon upang maging makabuluhan ang kanilang libreng oras at panahon matapos suspendihin ng isang buwan ang klase ng mga mag-aaral.

Ayon sa Obispo, nawa ay mas maunawaan ng mga kabataan ang kahalagahan ng oras para sa pamilya, sa pagninilay at pananalangin ngayong panahon ng Kwaresma na tila sapilitang pagsasailalim sa retreat ng bawat isa.

“Particularly in this time of Lent, it’s a different kind, type of observance of Lent na talagang parang forced retreat tayo yung mga ibang naka-quarantine ng 14 days walang labas yan, people might be bored but you know it’s a matter of life for us, so ano ba ang pwedeng gawin ng mga kabataan na ngayon ay nasa bahay tayo then we can begin to value the things that we often times neglect like time with our family, time to reflect, time to pray…”pahayag ni Bishop Alarcon sa panayam sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ng Obispo na bukod sa patuloy na pag-aaral at pagtatrabaho maging sa tahanan ay isa ring pagkakataon ang kasalukuyang Enhanced Community Quarantine upang higit na mapalalim ang relasyon ng buong pamilya sa pamamagitan ng pagsusuri sa sarili.

Iginiit ni Bishop Alarcon na hindi dapat ituring ng mga kabataan na bakasyon ang kasalukyang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon sa halip ay isang emergency o biglaang pangangailangan upang pansamantalang huminto at maging sensitibo sa mga bagay na nagaganap sa kapaligiran.

“it’s a call for us well hindi lang call we are forced to stop a bit, to slow down a bit and to be sensitive to what is happening around us of course it is not a vacation it is an emergency life is at stake…” Dagdag pa ni Bishop Alarcon.

Samantala, matapos na ideklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte pagtataas ng alert system ng bansa sa Code Red Sub-level 2 dahil sa pagkalat ng COVID-19 ay pinalawig na rin sa buong Luzon ang 30-araw na Enchanced Community Quarantine na magtatagal hanggang sa ika-14 ng Abril.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 3,517 total reads

 3,517 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 10,394 total reads

 10,394 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 47,794 total reads

 47,794 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 274,064 total reads

 274,064 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 167,531 total reads

 167,531 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 261,045 total reads

 261,045 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top