Pagkaka-ospital ng Arsobispo ng Nueva Caceres at Obispo ng Virac, fake news.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 542 total reads

Pinabulaanan ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona ang kumakalat na maling balita o fake news na siya ay naospital dahil sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 matapos ang kanyang naging pilgrimage sa Israel.

Sa mensaheng ipinadala ng Arsobispo sa Veritas Patrol, inihayag ni Archbishop Tirona na siya ay nasa mabuting kalagayan at sumasailalim lamang sa 14 na araw na Self Quarantine na nagsimula noong ika-8 ng Marso at inaasahang magtatapos sa ika-22 ng Marso.

Ibinahagi rin ng Arsobispo, na mayroon na ring health worker mula sa Department of Health ang personal na tumingin sa kanyang kalagayan noong ika-17 ng Marso na ika-siyam na araw ng kanyang self quarantine kung saan nanatili ang kanyang normal na temperatura at wala ring anumang sintomas ng sakit.

Ayon kay Archbishop Tirona, bukod sa pagpapahinga ay isang pagkakataon rin ang kanyang pagsailalim sa self-quarantine upang patuloy na magkaroon ng katahimikan para makapagnilay at manalangin lalo na ngayong panahon ng Kwaresma.

“(I am) Very OK. May FAKE NEWS dito na naconfine daw ako sa hospital dahil nagpilgrimage kami. Nag Self Quarentine (ako) since March 8 to end (on) March 22. Yesterday nagcheck ang DOH health worker sa akin and normal temperature (ko and) asymptomatic. Tuloy ang self quarantine ko and profiting from it with ample time for silence/solitude, prayer, reading, reflections.” mensahe ni Archbishop Tirona sa panayam sa Radyo Veritas.

Ibinahagi rin ni Archbishop Tirona na sumasailalim na rin sa self quarantine ang iba pang Bikolanong pari at mananampalataya na kasama sa pilgrimage sa Israel kasama na si Virac Bishop Manolo delos Santos.

Tiniyak naman ng Arsobispo ang kanyang patuloy na pananalangin para sa bawat isa partikular na ang mga nagsisilbing frontliners na tumitiyak sa kapakanan at kalagayan ng bawat isa mula sa COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 5,313 total reads

 5,313 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 92,321 total reads

 92,321 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 129,694 total reads

 129,694 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 160,955 total reads

 160,955 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 233,513 total reads

 233,513 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 31,860 total reads

 31,860 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top