Magkaisa ang lahat sa pananalangin laban sa COVID-19.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 485 total reads

Ang pananalangin para sa kaligtasan mula sa pandemic na Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 outbreak ay dapat na ilaan sa lahat sa kabila ng anumang paniniwala o pananampalataya.

Ito ang panawagan ni Archdiocese of Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma – Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations kaugnay sa malawakang epekto ng COVID-19 sa buong daigdig kasabay na rin ng paggunita ng Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous Peoples.

Ayon sa Arsobispo, ang naturang sakit ay walang pinipiling estado sa buhay o denominasyon kaya’t mahalagang magkaisa ang lahat sa pananalangin at pagsunod sa mga panuntunang ipatutupad ng mga eksperto.

Nagpahayag naman ng pakikiisa si Archbishop Ledesma sa mga Muslim na maaring hindi matuloy ang pilgrimage o pagsasagawa ng Haj sa Saudi Arabia dahil sa COVID-19 outbreak.

“Well dapat magkakaisa din tayo sa pagsunod ng mga guidelines para maiwasan na itong epidemya and we still pray together for the good of everyone hindi lang para sa isang religious community kundi para sa lahat din saka I think sinasarhan rin ang mga pilgrimage site hindi lang sa mga Muslim kundi sa mga Katoliko din so again it’s worldwide na we have to be aware of this pandemic…” pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, bilang pag-iingat naunang pinigil ng pamahalaan ng Saudi ang pagpapasok sa Mecca at Medina ng mga pilgrims mula sa mga bansang apektado ng COVID-19 outbreak.

Samantala, nagpatupad na rin ng precautionary measures ang Roma upang maiwasan ang malaking pagtitipon-tipon ng mga mamamayan.

Ngayong taon bilang paghahanda sa ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas ay ginugunita ang Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous Peoples na may temang “Dialogue Towards Harmony” na naglalayong maisulong ng pakikipagkapatiran sa pamamagitan ng pagsusulong ng kultura ng pakikipag-ugnayan tungo sa pangkabuuang kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 5,289 total reads

 5,289 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 92,297 total reads

 92,297 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 129,670 total reads

 129,670 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 160,931 total reads

 160,931 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 233,490 total reads

 233,490 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 31,856 total reads

 31,856 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top