Magbalik loob sa panginoon, payo ni Bishop Santos sa mamamayan.

SHARE THE TRUTH

 352 total views

March 23, 2020, 10:37AM

Hinimok ni Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filipino ang mamamayan na magbalik loob sa Panginoon na may kababaang loob.

Aniya, sa kasalukuyang kinakaharap ng mamamayan na malaking banta sa kalusugan dulot ng corona virus bukod tanging panalangin lamang ang makatutulong upang makamtan ang tunay na kagalingan.

“In this troubling and very difficult times, let us GO to God, to pray God. Let us go with humble hearts, with contrite spirit and sincere prayers to help and heal us. In this situation, prayer is our resolve. And God always listens to us, His children,” pahayag ni Bishop Santos.

Tiniyak ni Bishop Santos na kaisa ang buong simbahang katolika sa pananalangin ng buong mundo upang maiadya at tuluyang mapuksa ang COVID 19 na puminsala sa mahigit 200, 000 libong katao sa buong daigdig kabilang na ang mahigit 300 sa Pilipinas.

Sinabi ng Obispo na higit na kinakailangan ang mataimtim na pagdarasal at pagbibigay papuri sa Diyos na nagkakaloob ng buhay at biyaya sa bawat indibidwal.

“The whole Catholic Church has been praying for the whole world since before, especially now with Coronavirus pandemic. We are one with our people in praying to God for healing of those affected, cute and remedy for this Coronavirus, strength and safety of all those who are front liners, sound health of all of us, and eternal rest of those perished,” bahagi pa ng pahayag.
Binigyang diin ng obispo na ito ang wastong pagkakataon upang ipakita ang pagkakawanggawa sa kapwa partikular sa tinatayang limang milyong indibidwal na bahagi ng labor force sa Metro Manila na higit na apektado ng ipinatupad ng enhanced community quarantine.

Nauna nang sinabi ng Department of Labor and Employment na mamahagi ito ng limang libong pisong tulong pinansyal para sa mga apektadong manggagawa.

“Even if we are suffering and doing sacrifices, we can be still gracious, we must still GENEROUS. Let us be considerate and compassionate to our people, to our employees. It is opportune for us to show, to practice charity,” saad ni Bishop Santos.

Kasabay ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine ay pinaiiwas ng pamahalaan ang mamamayan sa mga pagtitipon na agad sinunod ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pamamagitan ng pagkansela ng mga misa sa halip ay mas pinaiigting ang mga online masses sa social media, sa telebisyon at sa radyo sa pamamagitan ng Radyo Veritas 846.

Ang pagtalima ng simbahan sa panawagan ng pamahalaan ay paraan ng pakikiisa sa paglaban na mahinto ang paglaganap ng COVID 19 sa bansa at mapangalagaan ang kalusugan ng mananampalataya.

Dahil dito hinikayat ni Bishop Santos ang mga Filipino na sundin ang payo ng pamahalaan at mga eksperto upang hindi na tumagal ang pananatili ng virus sa lipunan at babalik sa normal na pamumuhay ang mamamayan.

“In spite of dangerous condition we are in, we should do GOOD. Let us be good. Obey the rules, stay home and don’t take advantage of the situation for profits nor for personal gains. Be good to ourselves and others,” giit ni Bishop Santos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 2,492 total views

 2,492 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 40,302 total views

 40,302 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 82,516 total views

 82,516 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 98,051 total views

 98,051 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 111,175 total views

 111,175 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 14,563 total views

 14,563 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top