Frontliners sa COVID-19 crisis, bigyan ng sapat na pahinga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 434 total reads

March 24, 2020, 10:08AM

Nanawagan si Healing Touch priest anchor Reverend Father Larry Faraon sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na bigyang pagkakataong magpahinga ang mga frontliners na lumalaban sa corona virus disease pandemic.

Sa pagninilay ng pari sa online mass na ginanap sa Radio Veritas chapel, binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagpapahinga upang makapag-ipon ng lakas at sapat na resistensya ang katawan sa pagtatrabaho sa maghapon.

“Sa ating Department of Health, pwede po ba nating i-relyebo ang ating mga health workers para makapagpahinga ng maayos,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Faraon.

Ayon sa pari, dapat bigyan ng apat hanggang limang oras ang mga health worker na makapagpahinga dahil lantad ang mga ito sa peligro sa pag-asikaso ng mga pasyenteng positibo sa COVID 19 at sa mga nakikitaan ng sintomas.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health umabot na sa higit 400 ang nagpositibo sa virus kung saan 33 na ang nasawi kabilang na ang ilang doktor.

Kinilala ni Fr. Faraon ang malaking ambag ng mga frontliners tulad ng pulis, sundalo, mamamahayag at higit sa lahat ang mga medical personel na sumuong sa panganib upang mapaglingkuran ang taumbayan.

Dahil dito pakiusap ng pari sa mga medical personel na huwag abusuhin ang katawan sapagkat ang mabisang panlaban sa COVID 19 ang malusog na pangangatawan at immune system na matatamo lamang ng tao kung may sapat na pahinga, wastong pagkain at pagtulog.

“Sa ating frontliners, magpahinga kayo, huwag niyo masiyadong i-stretch ang oras ninyo sa trabaho dahil bukod sa pagod ng katawan mo, nakatindig kayo, stress pa kayo,” saad ni Fr. Faraon.

Patuloy namang ipinagdadasal ng Simbahang Katolika ang mga taong naglingkod at nangunguna sa paglaban sa paglaganap ng virus sa Pilipinas na sa tulong ng habag at awa ng Panginoon.

Unang nagpaabot ng panalangin si Pope Francis sa mga medical personel frontlines at nagpasalamat sa kanilang dedikasyon na paglingkuran ang kapwa sa gitna ng krisis sa pandemic corona virus disease.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 5,396 total reads

 5,396 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 92,402 total reads

 92,402 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 129,775 total reads

 129,775 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 161,036 total reads

 161,036 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 233,587 total reads

 233,587 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top