Cardinal Tagle, nagpaabot ng pakikiisa at pasasalamat sa Church media.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,315 total reads

March 25, 2020, 11:32AM

Nagpabatid ng kanyang pakikiisa at pasasalamat ang dating arsobispo ng Maynila para sa “church media” na patuloy na naghahatid ng Mabuting Balita ng Panginoon sa kabila ng panganib na dulot ng Corona Virus pandemic.

Ayon sa Kaniyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle, Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, nagsisilbing daluyan ang Radyo Veritas, TV Maria at Social Communications Ministry ng mga parokya na ihatid ang Mabuting Balita sa mananampalataya.

“Salamat sa pagiging daluyan ng pagmamahal, malasakit, pagdamay at pag-asa sa mga kababayan natin, lalo na ang mga maysakit, nangangaba at nangungulila. You are in my prayers. Stay well, safe and joyful. This crisis makes us bow before the only and truly Mighty One. No virus can stop God’s love from spreading. At kayo ang “carriers” ng pag-ibig ng Diyos sa oras na ito,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Cardinal Tagle.

Ito ay sa pamamagitan ng Radyo, Telebisyon at Live streaming ng mga misa lalu’t hindi pinahihintulutan ang mga misa sa mga parokya bilang pag-iingat na higit pang lumaganap ang sakit.

Live na mapapakinggan sa Radio Veritas846 at Veritas846.ph ang tatlong misa kada araw, tuwing alas-6 ng umaga, alas-12 ng tanghali at alas-6 ng gabi at mga kaganapan sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas at ibayong dagat.

Tiniyak din ni Cardinal Tagle ang pananalangin para sa kaligtasan ng bawat isa gayundin ang kahilingan na ipanalangin ang mga Filipinong malayo sa kanilang mga pamilya.

“Ipagdasal ninyo kaming malayo sa bansa at aming mga pamilya. May mga kababayan tayo sa Italy na nababawasan o nawawalan ng trabaho. Ipagdasal ninyo ang kaligtasan at kalusugan ng lahat. Matutuwa kayo dahil tuloy ang pagtutulungan, pananalangin at pagngiti ng mga Pilipino sa gitna ng pagsubok na ito,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Si Cardinal Tagle, kasama ang higit sa 50 mga pari sa Italya ay nagsasagawa rin ng online mass na mapapanood sa facebook page ng Pontificio Collegio Filipino.

Sa kasalukuyan ay ang Italya ang higit na apektado ng COVID-19 pandemic kung saan may 60 ng mga pari lalu na mula sa Diocese ng Bergamo, Lombardy ang nasawi dulot ng pagkahawa mula sa sakit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 117,284 total reads

 117,284 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 254,883 total reads

 254,883 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 370,659 total reads

 370,659 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 486,403 total reads

 486,403 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 374,599 total reads

 374,599 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 480,682 total reads

 480,682 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top