PNP, AFP frontliners: Ipinapanalangin namin kayo-Military Diocese

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 628 total reads

March 26, 2020-1:34pm

Tiniyak ng Military Ordinariate of the Philippines (MOP) na patuloy nilang ipinagdarasal ang mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagsisilbing frontliners sa mga checkpoints kaugnay na rin sa umiiral na Luzonwide Quarantine.

Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio ang kaligtasan ng mga frontliners kabilang na ang mga bumbero, sundalo at pulis ang kanilang pangunahing intensyon sa lahat ng misa ng may 130 miyembro ng military diocese.

“Sila ang una naming ipinagdarasal and also their families’ back home. We are praying for you,” ayon kay Bishop Florencio.

Gayundin ayon sa obispo ang kalakasan ng loob para sa kani-kanilang pamilya na nangangamba sa kanilang kaligtasan dahil sa pagtupad sa tungkulin.

“Let us be cool and be patient, this is not an ordinary task to combat. What you are doing…this is the way of showing how you love your country. It is an act of charity,” ayon pa kay Bishop Florencio.

Dagdag pa ni Bishop Florencio, ito ay hindi pangkaraniwang digmaan kung saan masusukat din ang pasensya ng bawat isa para tiyakin ang kaligtasan ng mamamayan.

Tinatayang may higit sa 50 milyon katao ang naapektuhan ng lockdown sa buong Luzon bukod pa sa umiiral na pagsasara ng mga hangganan sa ilang mga lalawigan tulad ng Mimaropa, Bohol, Cebu City at Davao city.

Handa rin ang Military Diocese na magbigay tulong sa mga frontliners na pulis at sundalong nais na makapagmisa at mangumpisal.

Ito ay kaugnay na rin sa bahagi ng pananampalataya ng mga katoliko ang pagtanggap ng sakramento sa panahon ng kwaresma at Mahal na Araw na nasabay naman sa krisis ng pandemic corona virus.

“If ever they need masses and confessions ng mga frontliners just request from the chaplains we are always at your service,” ayon pa sa Obispo.

Ayon kay Bishop Florencio, handa ang kanilang hanay na magpadala ng mga priest chaplains sa mga checkpoints na nagbabantay sa mga hangganan.

Hiniling naman ng obispo sa mga pulis at sundalo na nagmamando ng mga hangganan na pairalin ang kanilang pasensya sa mamamayan na tulad nila ay nagsasakripisyo rin sa umiiral na lockdown.

Ayon sa obispo ang kanilang tungkulin ay mahalaga upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at tuluyan nang mapuksa ang pagkalat ng corona virus disesase.

Simula ika-15 ng Marso ay naglagay ng checkpoints sa iba’t ibang hangganan sa Luzon bilang bahagi ng Luzonwide Quarantine na magtatapos hanggang sa ika-14 ng Abril.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 32,416 total reads

 32,415 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 83,182 total reads

 83,182 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 131,053 total reads

 131,053 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 235,001 total reads

 235,001 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 319,446 total reads

 319,446 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top