400-libong urban poor families, natulungan ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,220 total reads

March 30, 2020, 2:15PM

Aabot na sa P400 milyon o 400-libong urban poor families ang nabigyan ng gift certificates sa pamamagitan nang pakikipagtulungan ng mga negosyante sa Caritas Manila.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila, ang mga gift certificate ay magagamit ng bawat pamilya para sa kanilang pangunahing pangangailangan lalu’t marami ang walang hanapbuhay dahil sa umiiral na ‘enhanced community quarantine’.

Unang nakalikom ng P1.5-bilyon ang top 20 business group sa Metro Manila na bahagi ng Philippine Disaster Resilience Roundation para magbahagi ng tulong sa urban poor community o ang Project Ugnayan.

“Tayo ay ginamit ng mga kumpanya para makapag-distribute ng mga gift certificates, ito ay mas mabilis na puwedeng gamitin. Kasi P1,000 bawat poor family na ating ipamumudmod sa bawat Parokya,” ayon kay Fr. Pascual.

Ayon kay Fr. Pascual, kabilang sa mga benepisyaryo ang 10 diyosesis sa Metro Manila kabilang na ang Diyosesis ng Bulacan, Antipolo, Laguna at Imus.

At bilang pagtugon sa social distancing policy, pinapayuhan ang mga benepisyaryo na hintayin na lamang sa kanilang tahanan ang mga parish priest sa kanilang Parokya.

“Kasi mahalaga na manatili ang ating physical distancing. At ang mga mahihirap ay hindi na kinakailangan na pumila. Hindi na nila kailangan pumunta sa simbahan. Ang simbahan ang pupunta sa kanila,” ayon kay Fr. Pascual.

Tinatayang may 50 milyong katao sa buong Luzon ang naapektuhan ng pinapairal na community quarantine kabilang na dito ang higit sa limang milyong manggagawa sa Metro Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 5,299 total reads

 5,299 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 92,307 total reads

 92,307 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 129,680 total reads

 129,680 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 160,941 total reads

 160,941 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 233,500 total reads

 233,500 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 211,686 total reads

 211,686 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 353,278 total reads

 353,278 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top