Pangulong Duterte, hinamong gamitin ang emergency power sa COVID testing for all

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,219 total reads

March 31, 2020, 9:19AM

Hiniling ng pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – National Secretariat for Social Action Justice and Peace/Caritas Philippines sa pamahalaan na paigtingin ang testing sa mamamayan upang agad na masugpo ang pagkalat ng corona virus disease.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang chairman ng komisyon, dapat gamitin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang emergency power o ang Bayanihan to Heal as One Act.

“We demand two things from this government: 1. COVID testing for all, that we know who are carriers of COVID, then we can separate them and flatten the curve; 2. Hospital facilities: space, PPE, respirators and medicines (to boost patients’ immunity),” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Ika – 25 ng Marso ng lagdaan ng punong ehekutibo ang panukalang magbibigay ng special power kung saan kabilang dito ang pagbibigay ayuda sa mga low income Filipino ng lima hanggang walong libong pisong emergency cash aid o nakadepende sa minimum wage sa kanilang rehiyon at ang pagtiyak na mabigyan ng special risk allowance ang mga health workers na bukod sa hazard pay.

Umaasa rin si Bishop Bagaforo na bumuo ang pamahalaan ng grupong tutugon at nakatutok sa kasalukuyang krisis bunsod ng COVID 19.

“It would be best for the government to set up a multi-sectoral command council that will address this crisis now,” saad ni Bishop Bagaforo.

Mungkahi ng obispo na ito ay pagtutulungan ng lahat ng sektor mula sa pagnenegosyo, simbahan, pambayan, academe at iba pang grupo na maaring makatutulong sa sitwasyon.

Sa pinakahuling tala umabot na sa halos 800, 000 ang bilang ng positibong kaso sa buong mundo kung saan 21 porsyento dito ang gumaling na sa karamdaman habang apat na porsyento lamang ang nasawi.

Sa Pilipinas nasa 1, 546 ang kaso ng COVID 19, 78 dito ang nasawi at 42 naman ang tuluyang gumaling makaraang nagnegatibo na sa mga pagsusuring ginawa.

“Now is the time for public and private partnership, we need all hands to confront COVID 19 and its consequences to our people, not only the disease but its effect in the society now,” dagdag ni Bishop Bagaforo.

Naunang kumilos ang simbahang katolika sa pag-agapay sa mga mamamayang apektado ng COVID 19 sa pagpapatupad ng Luzon wide enhanced community quarantine na layong mapigilan ang paglaganap ng virus.

Pingunahan ng Caritas Philippines at Caritas Manila ang pagpapabot ng tulong partikular sa mga maralitang tagalunsod na nawalan ng pagkakakitaan dahil sa sitwasyon.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 1,977 total reads

 1,977 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 7,764 total reads

 7,764 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 45,512 total reads

 45,512 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 271,782 total reads

 271,782 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 165,248 total reads

 165,248 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 258,903 total reads

 258,903 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top