Magtulungan sa halip na magyabangan at mag-away

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 750 total reads

April 4, 2020, 10:48AM

Binigyang diin ni Balanga Bishop Ruperto Santos na dapat magkaisa ang lahat ng mamamayan sa pagtugon sa krisis na idinudulot ng corona virus disease.

Ayon sa obispo, ito ang pagkakataong isantabi ang kritisismo upang mas mabigyang pansin ang pangangailangan ng mamamayan na apektado sa ipinatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

“This is the time for cooperation, not to be critics; to collaborate, not to be competitors. Let us unite to succeed, work together for eradication of this Covid19,” mensahe ni Bishop Santos.

Iginiit ni Bishop Santos na hindi ito ang pagkakataon upang magbangayan sa halip ay pairalin ang pakikipagkapwa at katapatan partikular na sa mga naninilbihan sa bayan.

Aniya, mahalagang magkaroon ng pagkakaisa ang lahat ng sektor sa lipunan sa paglutas ng suliranin na idinudulot ng COVID 19 sapagkat lahat ay apektado.

“With those bickering which will just divide or confuse our people, it is better to stay calm, conscientious and compassionate,” saad ni Bishop Santos.

Pagbabahagi pa ng obispo na ang simbahan at sangguniang panlalawigan ng Bataan ay nagkaisa at nagtulungan sa pagbibigay ayuda sa mga apektadong pamilya partikular sa paghahatid ng pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain.

“Here in Bataan, the Church and Provincial Capitol, are partners; we consider ourselves as helpmates,” ayon kay Bishop Santos.

Dahil dito, nag-alay ng panalangin ang obispo para sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan at sa lahat ng mga lingkod bayan na sa tulong ng Diyos ay magabayan, lalawak ang karunungan at maging ligtas sa pagtugon sa krisis at paghahatid ng serbisyo sa mamamayang nasasakupan.

Kaugnay dito patuloy ang pagkilos ng simbahan upang abutin ang mga mamamayan na labis na apektado dulot ng quarantine kung saan sa pamamagitan ng Caritas Manila at sektor ng mga negosyanteng nagpamahagi ng mahigit isang bilyong pisong halaga ng mga gift certificate partikular sa National Capital Region at karatig lalawigan.


Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 1,912 total reads

 1,912 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 7,604 total reads

 7,604 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 45,362 total reads

 45,362 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 271,632 total reads

 271,632 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 165,098 total reads

 165,098 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 258,755 total reads

 258,755 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top