Superior ng OMI sa Pilipinas, itinalagang Obispo ng Apostolic Vicariate ng Jolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,048 total reads

April 5, 2020, 9:04AM

Hinirang ni Pope Francis na Obispo ng Apostolic Vicariate ng Jolo, Sulu ang pinuno ng Oblates of Mary Immaculate (OMI) sa Pilipinas.

Sa ulat ng CBCP news, inihayag sa Vatican ang appointment ng 54-taong gulang si Fr.Charlie Inzon, superior ng OMI congregation alas sais kagabi(6pm) oras sa Pilipinas.

Pamumunuan ni Bishop elect Inzon ang Apostolic Vicariate of Jolo na “sede vacante” mula pa noong November 2018 makaraang italaga ng Santo Papa si Archbishop Angelito Lampon na arsobispo ng Archdiocese ng Cotabato kapalit nang nagretirong si Orlando Cardinal Quevedo.

Isang lokal na simbahan ang Apostolic Vicariate na pinamumunuan ng isang Apostolic Vicar sa pangalan ng Santo Papa.

Si Bishop-elect Inzon ay ipinanganak sa Putiao, Sorsogon noong ika-24 ng Nobyembre 1965 at pumasok ito sa OMI congregation noong 1982.

Nag-aral si Inzon ng Philosophy sa Notre Dame University sa Cotabato City at Theology sa Loyola School of Theology ng Ateneo de Manila University.

Inordinahang Pari si Inzon noong ika-24 ng Abril 1993 sa Caloocan city.

Nagtapos si Bishop-elect Inzon ng master degree sa Theology sa L-S-T at doctorate in Psychology sa ADMU.

Taong 2014-2018 ay naging pangulo si Inzon ng Notre Dame University sa Cotabato City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 115,860 total reads

 115,860 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 253,596 total reads

 253,596 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 369,371 total reads

 369,371 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 485,168 total reads

 485,168 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top