Tulungan ang mahihirap, tungkulin ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 628 total reads

April 6, 2020, 1:21PM

Tungkulin ng simbahan na tulungan ang mga nangangailan mayroon man o walang Pandemic Corona Virus disease.

Ito ang binigyang diin ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (CBCP-NASSA/Caritas Philippines) sa mga nagtatanong ng ginagawa ng simbahan ngayong panahon ng krisis.

Ayon kay Fr. Edu Gariguez ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines sa panayam ng Radyo Veritas, tahimik na kumikilos ang simbahan sa pamamagitan ng 85- social arm nito sa buong bansa kabilang na ang Caritas Manila.

“Lalu’t higit kung ganitong may krisis. At yun nga po sa kabila ng lockdown sa kabila ng kahirapan nating pare-pareho ay nagsisikap tayong gumawa o tulungan na mag-abot kamay dun sa mga naapektuhan nitong covid lockdown na ito,” pahayag ni Fr. Gariguez.

Ang Caritas Philippines sa pamamagitan ng inilunsad na Kindness Station ay mayroon ng P130 -milyon na nalikom na pondo habang naging tulay naman ng mga negosyante sa Metro Manila ang Caritas Manila para maipahamagi ang P1.5 Bilyon Gift Certificates sa urban poor families.

“Pero hindi nangangahulugan na tayo ay paralyzed dahil wala tayong magagawa. Kaya ang bawat parokya at mga diyosesis may kaniya-kanyang bersyon ng kindness stations lalu’t higit ngayong panahon ng kuwaresma at kung paano magkakaroon ng pagkakataon magbahagi, tumulong,” pagbabahagi ng pari.

Hinikaya’t din ni Father Gariguez ang bawat mananampalataya na patuloy na tumulong at makibahagi sa Damay Kapanalig Alay Kapwa Telethon ng Caritas Manila at Radio Veritas dahil walang inaasahang tulong mula sa ibayong dagat dahil sa pandaigdigang epekto ng pandemya.

Ayon kay Fr. Gariguez ito, ay upang makaabot din ang tulong ng Caritas Manila maging sa mga mahihirap na lalawigan.

“Kasi kung may dioceses na hindi naman ganun ang kalaki ang kanilang resources kaya aayudahan po natin ang ibang diyosesis na sa kanilang pagtulong na kulang ang kakayahan.

Iniulat ng Pari na maging ang mga probinsya ay labis ding nagdurusa dulot ng umiiral na stay at home policy bilang bahagi ng pag-iwas sa pagkalat ng novel corona virus,” ayon pa kay Fr. Gariguez.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 30,771 total reads

 30,771 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 81,687 total reads

 81,687 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 129,558 total reads

 129,558 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 233,506 total reads

 233,506 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 318,072 total reads

 318,072 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top