Arsobispo, nangangamba sa magiging epekto ng extended Enchanced Community Quarantine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 548 total reads

April 6, 2020, 1:47PM

Nangangamba ang pinunong pastol ng Arkidiyosesis ng Ozamiz kung sakaling palalawigin ng pamahalaan ang ipinatupad na community quarantine.

Ayon kay Archbishop Martin Jumoad, malawak ang epekto nito sa bawat sektor ng lipunan partikular sa mga mahihirap kaya’t mahalagang makipagtulungan ang bawat isa upang tuluyang masupil ang paglaganap ng virus.

Binigyang diin ng arsobispo na apektado rin maging ang mga maliliit na parokya sa mga liblib na lugar sa mga lalawigan dahil walang mga misa.

“Sa totoo lang, if the informal sectors are affected much more the parishes in the provinces,” pahayag ni Arcbishop Jumoad sa Radio Veritas.

Aminado ang Arsobispo na bagamat patuloy ang simbahang katolika sa pag-ayuda sa mga labis na nangangailangan ay marami namang naghihirap na parokya din.

Pagbabahagi ni Archbishop Jumoad na may mga parokya tulad sa bayan ng Concepcion at Don Victoriano sa Misamis na karamihan ay mga tribu kaya’t walang sapat na kakayahang pinansyal.

Dahil dito, umapela ang arsobispo na bukod sa pagtulong sa mga mahihirap na komunidad na tulungan din ang mga parokyang naapektuhan sa pagkansela ng mga misa.

“Charity begins at home, tulungan din natin ang mga pari at parokya sa mga lalawigan lalo na ang mga nasa liblib na kanayunan,” dagdag ni Archbishop Jumoad.

Sa kasalukuyan, sinusuportahan ng arsobispo ang pangangailangan ng mga pari tulad ng pagkain at bayarin sa kanilang mga parokya.

Magugunitang nasa isang bilyong pisong gift certificate na ang naipamahagi ng Caritas Manila sa tulong ng Project Ugnayan ng mga negosyante kung saan nakinabang dito ang mahigit sa tatlong milyong maralita sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Patuloy pa rin ang pagkilos ng iba’t-ibang diyosesis sa bansa upang tulungan ang mamamayan sa gitna ng krisis dulot ng COVID 19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 32,413 total reads

 32,413 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 83,180 total reads

 83,180 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 131,051 total reads

 131,051 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 234,999 total reads

 234,999 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 319,444 total reads

 319,444 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top