“Because of him, we shall overcome!”-Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 500 total views

April 10, 2020-9:00am

“Let us allow ourselves to be surprised by God.”

Ito ang mensahe ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa mga mananampalataya sa pagdiriwang ng sambayananang Kristiyano ng kapistahan ng muling Pagkabuhay ni Hesus.

Ayon sa Obispo, tulad ng unang muling Pagkabuhay ni Hesus na puno nang hiwaga at mga hindi inaasahan, hindi rin tukoy ng lahat ang magaganap pa sa loob ng tatlong linggo dulot ng umiiral na lockdown.

Subalit nakakatiyak ang lahat na tayo ay muling babangon at magagapi ang pandemya.

“We will rise up strengthened in our relationships. Most especially, we will rise up with greater trust in our God who never leaves us and who sustains us in difficult times,” ayon kay Bishop Pabillo.

Sa umiiral na Enhanced Community Quarantine-hindi tulad ng nakasanayan ng lahat ang pagdiriwang ng simbahan ng panahon ng Kwaresma, Mahal na Araw at ang pista ng Muling Pagkabuhay.

Subalit ayon kay Bishop Pabillo. hindi ito dapat maging hadlang sa tunay na kahalagahan ng pagdiriwang-ang tagumpay ng Panginoong Hesus mula sa Krus ng kalbaryo para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

“The quarantine period was hard, but we have lived through it renewed and with new realizations in life. It has given us new life,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Pabillo.

Umaasa din si Bishop Pabillo na matapos ang lockdown na hindi na babalik sa maling pamumuhay ang bawat isa bagkus ay manaig ang mga natutunang aral mula sa karanasan-ang pagbibigay halaga sa tunay na pinakamahahalaga sa ating buhay.

Ito ay ang kalusugan, pamilya at ang pananampalataya sa Panginoon na hindi magpapabaya sa lahat ng pagkakataon bagkus ay kasama-kasama sa bawat yugto ng buhay.

“Let not the monotony of the quarantine put off the joy of Easter. The basis of this joy is not what we can do, but that the Risen Jesus is with us. He is acting among us and renewing us. Because of him, we shall overcome!”

Bilang panghuli, inihayag pa ng obispo na nawa sa pagkakataong ito ay higit pang tumibay ang pananampalataya at pag-asa ng bawat isa kasama ang Panginoon na muling nabuhay.

Una na ring ipinag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng enhanced community quarantine ng hanggang sa ika-30 ng Abril.

Habang umaabot na sa higit apat na libo ang bilang ng mga nahawa sa novel coronavirus disease sa Pilipinas- ang may pinakamataas na bilang ng kaso sa Southeast Asia.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 99,856 total views

 99,856 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 224,267 total views

 224,267 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 264,937 total views

 264,937 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 339,552 total views

 339,552 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top