Frontliners sa laban kontra COVID-19, kinilala ng Simbahan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 522 total reads

Kinilala ng Simbahang Katolika ang mga frontliners sa pakikipaglaban na masugpo ang pagkalat ng pandemic corona virus disease 2019 (COVID-19).

Sa Misa sa Huling Hapunan ni Hesus na pinangunahan ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa Minor Basilica of the Immaculate Conception o Manila Cathedral, binigyang diin sa homiliya ng obispo na ang paglilingkod sa kapwa ay tunay na pakikiisa sa buhay ni Hesus.

“Nakikiisa tayo kay Hesus at isinasabuhay natin ang Banal na Misa kapag naglilingkod tayo sa isa’t isa,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Image may contain: 1 person, table and indoor
WASHING OF THE FEET at Manila Cathedral

Pinuri ni Bishop Pabillo at ng buong simbahan ang kahanga-hangang dedikasyon ng ilang indibidwal na tumugon sa pangangailangan hinggil sa pandemya sa kabila ng mapanganib na sitwasyon at malaking banta sa kanilang sariling kalusugan.

Ilan sa kumatawan ng mga frontliners na hinugasan ng paa sina Dr. Aileen Rotor, sa hanay ng mga medical personnel na pinakalantad sa panganib na dala ng COVID 19; Lt. Col. Rowena Acosta, sa hanay ng mga tagapagpatupad ng batas na nangangalaga sa kaayusan sa buong bansa sa pamamagitan ng pagbabantay sa mga checkpoint katuwang ang Local Government Unit at mga barangay; Roland Solis, ang kumakatawan sa service/auxilliary personnel, tulad ng mga driver, grocery staff, service crew at iba pa; Sharon Joy Isla, mula sa hanay ng mga mamamahayag na patuloy ang paglilingkod sa mamamayan upang makapaghatid ng mga impormasyon hinggil sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa at sa buong daigdig.

Ayon kay Bishop Pabillo ang paglilingkod ng mga frontliners ay may kaakibat na pag-ibig tulad ng mga halimbawa ng Diyos na inialay ang Kanyang anak na si Hesus para sa katubusan ng sangkatauhan mula sa dilim ng kasalanan.

“We do this with love, it is love that gives meaning to our communion,” saad pa ni Bishop Pabillo.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health mahigit na sa apat na libo ang kaso ng COVID 19 sa Pilipinas kung saan sa nasabing bilang 252 dito ay mga medical workers, 152 ay mga doktor habang 63 naman ang mga nurse.

Ayon naman sa Private Hospital Association of the Philippines (PHAP) nasa 21 mga Filipino doctors na ang nasawi dahil sa naturang virus. Pinaiigting naman ng simbahan ang pananalangin na tuluyan nang mapuksa ang nakahahawang virus at malunasan na na ang isa punto limang milyong COVID 19 infected sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 32,401 total reads

 32,401 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 83,168 total reads

 83,168 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 131,039 total reads

 131,039 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 234,987 total reads

 234,987 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 319,432 total reads

 319,432 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top