Simbahan handang tumulong sa gobyerno sa epekto ng Covid-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,085 total reads

Handa ang Simbahang Katolika na maging katuwang ng gobyerno lalu’t nahaharap ang bansa sa krisis ng pandemya.

Ito ang pahayag ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa nakikitang kakulangan ng gobyerno para tugunan ang mga pangangailangan ng mahihirap na Filipino.

Sa ulat, higit sa 11 milyong manggagawa ang nawalan ng hanap buhay dahil sa ipinatutupad ng community quarantine sa Luzon at iba pang bahagi ng Pilipinas bunsod na rin ng paglaganap ng coronavirus disease.

“Ang simbahan naman ay handang tumulong sa national government para matulungan ‘yung mga tao. Lalong lalo na ngayon na kailangan na nila ng pera para sa kanilang araw-araw na pangangailangan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Ang simbahan sa pamamagitan ng Caritas Manila ay nakatulong na sa mahigit isang milyon pamilya o 6.8 milyong indibidwal matapos na makapagbahagi ng mahigit P1-B halaga ng gift certificates sa pinakamahihirap na sektor ng lipunan.

Ilang mga kongregasyon at parokya ng simbahan ang patuloy na tumutulong sa mga nangangailangang mahihirap at mga medical frontliner sa bansa.

Dagdag pa ni Bishop Pabillo, sakali mang humingi ng tulong ang gobyerno sa simbahan ay dapat ang pamahalaan ang magtakda ng panuntunan upang hindi mapulitika ang pagtulong.

“Kung gusto ng gobyerno na tumulong ang simbahan, dahil mayroon naman tayong network sa pamamagitan ng parokya at mga BEC ay handa tayo.” pahayag ni Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 6,473 total reads

 6,473 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 93,420 total reads

 93,420 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 130,793 total reads

 130,793 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 162,054 total reads

 162,054 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 234,551 total reads

 234,551 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 211,748 total reads

 211,748 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 353,320 total reads

 353,320 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top