Cardinal Tagle, ipinagmalaki ang Project Ugnayan sa Caritas Internationalis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 587 total reads

Nagpapasalamat ang Caritas Internationalis sa lahat ng nakipagtulungan sa Simbahang Katolika upang makapagpaabot ng tulong sa mga lubos na nangangailangan dahil sa krisis na dulot ng pandemic na Coronavirus Disease 2019 sa bansa.

Ayon sa Kaniyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle, pangulo ng Caritas Internationalis, ang Project Ugnayan na resulta ng Oplan Damayan ng Caritas Manila ay pagpapakita ng magandang halimbawa ng pagkakaisa, pagkakawang gawa at pagiging makabayan sa oras na lubos na kinakailangan ng bayan ang pagdadamayan.

Ipinagmamalaki rin ni Cardinal Tagle ang kasalukuyang Prefect of the Congregation for the Evangelization of People ang programa bilang isang modelo ng epektibong pagtutulungan ng Simbahan, Business Sector at pamahalaan tungo sa iisang layunin na makatulong sa mga nangangailangan.

“As our initial response to the COVID 19 pandemic called Project Ugnayan is winding down, I wish to express my gratitude to all of you. In a special way, I thank you for partnering with the Church through Caritas and its Oplan Damayan,” ang bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.

Ayon pa kay Cardinal Tagle bagamat malaki ang naidulot ng COVID-19 sa pagbabago ng buhay ng tao sa buong mundo dulot ng kawalang hanapbuhay, dami ng naitatalang nahahawaan at namamatay ay hindi naman maitatanggi ang naipamalas ng marami na pagkakawanggawa at pag-ibig para sa kapwa.

Paliwanag ng Cardinal ang pagsusulong ng kapakanan ng bawat mamamayan partikular na ng mga mahihirap at mahihina sa lipunan sa gitna ng krisis na dulot ng COVID-19 ay isang simbolo ng muling pagkabuhay ni Hesus kung saan makikita ang pag-asa hatid ni Hesus para sa sangkatauhan.

“But we also cannot deny that the corona virus has generated an equal, or even more powerful pandemix of love and caring. This is Easter. The resolve in our hearts to value every human life and to promote the common good is a sure sign that Jesus is truly risen and will not die again. Thank you for being beares of Easter hope to the poor and vulnerable and for making sincere love contagious,” dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Una na ring nakipagtulungan ang mga mamumuhunan sa Metro Manila sa Caritas Manila upang magpaabot ng tulong sa mga mahihirap na lubos apektado sa krisis na idinudulot ng COVID-19.

Ang Philippine Disaster Resilience Foundation ay naglunsad ng Project Ugnayan kung saan nakalikom ng 1.5 bilyong piso para maipamamahagi sa mga apektadong pamilya lalu na sa National Capital Region kung saan P1,000 halaga ng gift certificate ang ipamigay na maaring gamitin sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan ng pamilya.

Sa bahagi naman ng simbahan katuwang ng Caritas Manila ang mga parokya sa paghahanap ng mga benepisyaryong pamilya na karapatdapat na tumanggap ng tulong mula sa Project Ugnayan.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 4,110 total reads

 4,110 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 11,383 total reads

 11,383 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 48,719 total reads

 48,719 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 274,989 total reads

 274,989 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 168,456 total reads

 168,456 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 261,920 total reads

 261,920 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top