Mental at Spiritual health, higit na kailangan ng mga Filipino

SHARE THE TRUTH

 240 total views

April 24, 2020, 2:15PM

Patuloy na nasasaktan ang simbahan sa umiiral na locked down policy dulot ng kinakaharap na suliranin ng buong mundo sanhi ng banta ng coronavirus disease 2019.

Ayon kay Novaliches Bishop Roberto Gaa, dulot ng nakakahawang sakit ay hindi buong magampanan ng bawat pari ang kanilang tungkulin para sa mananampalataya.

“Pero ang sabi ko I cannot but console the grieving, hindi puwedeng mawala yun. At iyon ang wala ngayon sa lahat ng simbahan sa lahat ng pari,” ayon kay Bishop Gaa.

Ipinaliwanag ng Obispo na bukod sa pagbibigay ng sakramento at eukaristiya hindi rin ganap na maipahayag ng mga pari ang malasakit sa mananampalataya dulot na rin ng mga restrictions lalu na ang mahigpit na pagpapairal ng physical distancing.

“Kasi ang simbahan po ay very tactile ,  very touchy. Ngayon pagka-tinanggal mo ang lahat ng yun,  as a priest parang hindi mo sya maramdaman na simbahan kasi wala kang nakikita na nagsisimba sa iyo. Wala kang nakikitang you’re ministering to,” paliwanag ni Bishop Gaa sa Pastoral Visit on-the-air sa Radyo Veritas.

Sa kabila ng umiiral na physical distancing at stay-at-home policy, nararamdaman naman ng publiko ang simbahan sa pamamagitan ng pamamahagi ng tulong sa mga higit na nangangailangan.

KARAGDAGANG 15-ARAW NG ECQ

Inihayag naman ng Malacañang ang pagpapapalawig ng enhanced community quarantine ng hanggang sa ika-15 ng Mayo sa mga lugar na may mataas ang bilang ng nahahawaan ng Covid-19.

Kabilang na dito sa National Capital Region, Calabarzon, at Central Luzon.

Ayon kay Bishop Gaa, ngayon pa lamang ay tila nauubusan na ng pondo ang mga lokal na pamahalaan para bigyang ayuda ang kanilang mga nasasakupan lalu na ang mga manggagawang patuloy na hindi nakakapagtrabaho para sa kanilang pamilya.

“Add-on doon sa 30-days, talagang it will strain it even more, emotions will be flaring-up talagang magkakaroon na ng mga away kahit yan internally,” ayon sa obispo.

Iginiit ng Obispo na ito ang pagkakataon na kinakailangan ang mas malalim na pang-unawa sa paglilingkod ng bawat pinuno ng pamahalaan at simbahan.

“At ito ang panahon sana parang to look beyond yung mga maliliit na bagay kasi kadalasan maliliit lang na bagay pinag-aawayan, mapalampas yan. Parang mas lumalim ang paglilingkod nila sa taong bayan,” paliwanag ng obispo.

PASTORAL WORK

Habang ang mga misa ay pansamantalang ibinabahagi sa pamamagitan ng radyo, telebisyon at social media nang sa gayun ay maipahatid pa rin sa mananampalataya ang mabuting balita ng Panginoon.

Mungkahi din ng obispo na nawa ay makapasok na rin sa free channel sa telebisyon ang mga misa para naman sa mga mananampalataya na walang access sa internet.

MENTAL AT SPIRITUAL HEALTH AS ESSENTIAL

Umaasa din si Bishop Gaa na maisama bilang essential need ang ilang bagay na dapat na tugunan ng simbahan.

Giit ng obispo, tulad ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at gamot nawa ay makita rin ang higit na pangangailangan ng publiko para sa spiritual at mental health.

Nang sa gayun ay mapapatatag ang kanilang kalooban mula sa pangamba at takot dulot na rin ng napakahabang panahon na pananatili sa kanilang bahay bukod pa sa epekton nito sa kanilang kabuhayan at kaligtasan mula sa sakit.

“Pero hindi nailalagay na essential ang mental ang spiritual health ng tao na ngayon parang lumalabas na parang talagang kailangan tugunan ang pangangailangang yun…parang nabuburyong ang mga tao sa loob ng kanilang tahanan na hindi naman talaga sanay talaga sa ganun,” dagdag pa ng obispo ng Novaliches.

Subalit dahil sa umiiral na locked down policy, hinikayat ng obispo ang mga lingkod ng simbahan na gamitin ang anumang mayroon sa kasalukuyan upang gampanan ang paglilingkod at lumikha ng programang tutugon sa mga pangangailangang ito ng mananampalataya.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malnutrisyon

 3,220 total views

 3,220 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 7,582 total views

 7,582 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »

Trabaho sa kabila ng init

 18,174 total views

 18,174 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 26,398 total views

 26,398 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Permanent interests

 32,244 total views

 32,244 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Marian Pulgo

Consumer group, sang-ayon sa pag-amyenda sa Rice Tariffication Act

 466 total views

 466 total views Ayon pa kay Cathy Estabillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas, at kung maari ay tuluyan nang tanggalin ang batas upang mapababa ang preyso ng bigas sa mga pamilihan. Paliwanag ni Estabillo, matagal na silang tutol sa RTL mula sa unang taon pa lamang ng pagpapatupad ng batas na higit pang nagpahirap hindi lamang sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Kura-paroko ng nasunog na 17th century church sa Ilagan-Isabela, nanawagan ng tulong

 2,437 total views

 2,437 total views Nanawagan ng tulong ang parokya ng St. Ferdinand sa Ilagan, Isabela sa mga mananampalataya upang muling maitayo ang nasunog na simbahan. Ayon kay Fr. Zuk Angobung Parish Priest ng St. Ferdinand Parish, kasalukuyang sumasailalim sa pagsasaayos ang simbahan at pawang mga manggagawa lamang ang nasa loob ng parokya. “Nanawagan po kami sa lahat

Read More »
Environment
Marian Pulgo

Mamamayan, pinayuhang iwasang umabot sa burning point ang kagamitan sa bahay

 3,135 total views

 3,135 total views Pinag-iingat ang mamamayan sa posibleng mga sunog na mas pinalala pa ng tagtuyot at umiiral na El Niño phenomenon. Sa panayam ng Veritas Pilipinas kay Sarah Kay Taa, Senior Fire Officer ng Trinity Volunteer Fire Department, bukod sa mga karaniwang dahilan ng sunog, maari ring pagmulan ng sunog ang labis na init ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila, lubos ang pasasalamat sa mga tumugon sa Alay Kapwa telethon

 13,591 total views

 13,591 total views Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa mga programa ng simbahan na ang layunin ay tulungan ang mga higit na nangangailangan. Ito ang mensahe ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila sa Caritas Manila Alay Kapwa Telethon na inilalaan ng simbahan sa pagtulong sa mga higit

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

“EDSA is a miracle.”

 31,744 total views

 31,744 total views Ganito isinalarawan ni Sr. Asunsion “Cho” Borromeo, FFM ang mga pangyayaring sa naganap na EDSA People Power Revolution 38-taon na ang nakakalipas. Si Sr. Borromeo ay kabilang sa mga madre na unang nagtungo at nanatili sa EDSA kasama ang iba pang mga pari at mga nagkikilos protesta. Buong-buo pa rin sa alalaala ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Paniningil ng PhilHealth premium contributions, pinatitigil ng mambabatas

 30,580 total views

 30,580 total views Iminungkahi ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo ang pansamantalang pagpapahinto ng paniningil ng PhilHealth premium contributions sa lahat ng mga minimum wage earners, kasama na ang mga self-employed. Ayon sa House Resolution 1595, sinabi ni Quimbo na dapat gamitin ang mga hindi nagamit na alokasyon sa PhilHealth sa premium subsidy, upang makatulong sa

Read More »
Environment
Marian Pulgo

Pagbubutas sa Masungi Georeserve l, kinondena ng mambabatas

 29,632 total views

 29,632 total views Mariing kinondena ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang ginagawang pagbubutas sa Masungi Georeserve sa lalawigan ng Rizal. Panawagan pa ng mambabatas ang pangangailangan sa higit pang pangangalaga sa mga itinalaga bilang protective area mula sa higit pang pinsala. Gitt pa ni Castro na ang paghuhukay sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Walk for Life 2024: “May we become active proclaimers of the Gospel of Life together-Cardinal Advincula

 29,037 total views

 29,037 total views Nagpapasalamat si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lahat ng mga na nagsusulong at patuloy na nagtatanggol ng kasagraduhan ng buhay at ng pamilya. Ayon kay Cardinal Advincula, kinakailangang ang sama-samang pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao at upang maisakatuparan ang misyon na dapat na isagawa nang magkakasama, tulad ng tema ng Walk

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Maglingkod at manalangin, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

 30,336 total views

 30,336 total views Hinikaya’t ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalatayang Kristiyano na maglingkod at manalangin ng buong kababaang loob at ganap na pagtitiwala sa Panginoon. Ito ang bahagi ng mensahe ng Cardinal sa ginanap na misa sa Manila Cathedral kaugnay sa paggunita ng Ash Wednesday- ang hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma. Sa kaniyang homiliya

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Mindanao secession, labag sa 1987 constitution

 31,474 total views

 31,474 total views Taliwas sa sinasaad ng Saligang Batas ang panawagang paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas. Ito ang paalala ni 1-Rider Partylist Representative Rodge Gutierrez kaugnay sa isinusulong nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Davao de Norte Rep. Pantaleon Alvarez, lalo’t wala ring dahilan para humihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Pilipinas. “If we allow our

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Obispo tutol na ihiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas

 35,197 total views

 35,197 total views Tutol ang obispo mula sa Mindanao sa panukalang ihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Republika ng Pilipinas. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangang pangalagaan ang pagkakaisa ng bansa at hindi paglikha ng pagkakakahati-hati. ‘We have to preserve our unity. No to disintegration of our land,” ayon sa ipinadalang mensahe ng arsobispo sa

Read More »
Economics
Marian Pulgo

Pag-alis ng senior citizen booklet, tatalakayin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso

 35,836 total views

 35,836 total views Inaasahang sa mga susunod na araw ay tatalakayin na sa Mababang Kapulungan upang tanggalin ang ‘senior citizen booklet’ bilang requirement para makakuha ng diskwento ang mga nakatatanda sa kanilang pamimili. Ayon kay Deputy Majority Leader at ACT-CIS Partylist Representative Tulfo, ipinag-utos na ng liderato ng Kamara ang pagbuo ng Technical Working Group upang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pagkakaroon ng OFW Personal Prelature, nasa pagpapasya na ni Pope Francis

 36,364 total views

 36,364 total views Hinihintay na lamang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pasya ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa mungkahing pagkakaroon ng ng Personal Prelature para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang panukala ay muli ring tinalakay ng kalipunan ng mga obispo sa katatapos lamang na 127th

Read More »
Economics
Marian Pulgo

Sundin ang number of school days, payo ng CBCP-ECCCE sa pabago-bagong school calendar

 36,707 total views

 36,707 total views Ilang mambabatas ang nagpahayag ng pagsang-ayon na ibalik ng Hunyo ang ‘pasukan’ ng mga mag-aaral, mula sa kasalukuyang umiiral na school calendar na nagsisimula ng buwan ng Agosto. Ayon kay House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro, ang hakbang ay ayon na rin sa kahilingan ng maraming mag-aaral, magulang

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

1987 constitution, hindi maaring rebisahin sa pamamagitan ng People’s Initiative

 43,997 total views

 43,997 total views Nilinaw ng isang eksperto na hindi maaring rebisahin ang 1987 Philippine Constitution sa pamamagitan ng People’s Initiative. Ito ang binigyang-diin ni law professor Attorney Jose Manuel Diokno kaugnay sa mga ulat na pangangalap ng pirma sa ilang lugar sa bansa upang magpatupad ng mga pagbabago sa Saligang Batas. Sa panayam ng programang Veritas

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top