Garbage collectors, tinulungan ng Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 45,892 total views

April 24, 2020, 2:46PM

Nagpamigay ng mga relief pack para sa mga garbage collectors sa lungsod ng Quezon City ang Radio Veritas sa pakikipagtulungan sa The International Association of Lions Clubs Manila Excel district 201 – A3 sa pangunguna ni Stephen C. Chan.

Sa inisyatibo ni Veritas Pilipinas anchor Ms. Jing Manipol Lanzona, ang kaunting tulong ay inilaan para sa mga frontliner na bagama’t wala pa mang COVID-19 ay nahaharap sa banta ng pagkakasakit dahil sa mga waste product at kakulangan ng proteksyon.

Matapos makatanggap ng relief goods, binigyan ng blessings o pagbabasbas ni Rev. Father Roy Bellen, ang Vice-President for Operations ng Radio Veritas ang mga nangongolekta ng basura para sa kanilang kaligtasan habang ginagampanan ang trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, nanawagan si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na bigyang halaga ang mga garbage collector dahil sila ang dahilan kung bakit nanatiling malinis ang kapaligiran at mga ospital lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“Mahalaga po ang serbisyong kanilang ginagawa at sana po ay natutumbasan ang kanilang serbisyo sa naangkop na sweldo at benepisyo na ibibigay sa kanila ng LGU at National Government,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas

Matatandaang nanawagan ang mga makakalikasang grupo na Ecowaste Coalition sa pamahalaan na bigyan ng hazard pay ang mga nangongolekta ng basura dahil isa sila sa mga humaharap sa peligro dahil na rin sa mga hospital waste and used materials sa mga opistal at komunidad.

Panalangin naman ni Bishop Pabillo na mapanatiling ligtas ang mga nangongolekta ng basura dahil isa sila sa humaharap sa potensyal na panganib bunsod ng coronavirus disease.

“Panginoong Diyos na mapagmahal, itinataas po namin sa Inyo ang isa sa mga frontliner namin na sila pong nangongolekta ng aming mga basura. Mapanatili po nawa silang malusog dahil malaki po ang kanilang tungkulin at panganib sa kanilang buhay dahil sa exposure nila sa virus.

Kaya panatilihing po ninyong sila’y malakas pati ang kanilang pamilya at gayun din ay ilayo sila sa kasamaan lalong lalo na sa sakit.

Hinihiling po namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 41,595 total views

 41,595 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 55,172 total views

 55,172 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 83,736 total views

 83,736 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 132,667 total views

 132,667 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 125,324 total views

 125,324 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 86,835 total views

 86,835 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 274,474 total views

 274,474 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top