Pampublikong misa, nagsimula na sa Diocese ng Borongan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 637 total views

April 27,2020-10:29am

Nagsimula nang magbukas ang mga parokya sa Borongan City para sa pagsasagawa ng pampublikong misa.

Ayon sa pahayag ni Borongan Bishop Crispin Varquez ito ay base sa Executive Order ni Borongan City Mayor Dayan Agda na nagbibigay ng pahintulot sa mga religious activities tulad ng communal mass sa nasasakupan ng lungsod.

Sinabi ng Obispo na mahalagang mapanatili ang kalakasan ng bawat mananampalataya lalu na sa panahon ng krisis na dulot ng pandemic novel coronavirus.

Ayon kay Bishop Varquez, mahalaga ang spiritual nourishment sa mga mananampalataya upang manatili ang kanilang kalakasan at pananampalataya lalu na sa presensya ng Panginoon.

“Is it the new normal, the people now are living in fear and anxieties. So it is a way of telling people that God is with us. It is a necessity to keep them physically, mentally and spiritually strong during this time of pandemic,” ayon kay Bishop Varquez.

Tiniyak naman ng Obispo na mahigpit na ipatutupad sa mga parokya ang pagpapanatili ng physical distancing, pagsusuot ng face mask, pagkakaroon ng footh bath at limitadong bilang ng mga dadalo sa bawat misa.

Dagdag pa ni Bisho Varquez, bawat simbahan ay may itinalagang isang entry at exit point upang masuri ang temperatura ng bawat papasok sa simbahan at maipatupad ang protocol.

Ayon pa sa Obispo base sa kautusan ay 1/3 lamang ng kabuuang kapasidad ng simbahan ang maaring pumasok o nangangahulugan na sa 100 kapasidad ng parokya ay maari lamang magkapagsimba ang 33 katao.

Bagama’t umaabot na sa higit pitong-libo ang kaso ng nagtataglay ng corona virusdisease sa bansa nanatiling covid-free ang Eastern Samar kabilang na dito ang Borongan.

Sa kasalukuyan ay mahigpit pa rin umiiral ang pagbabantay sa apat na borders ng Eastern Samar upang matiyak na hindi makakapasok ang virus kung saan tanging mga essential deliveries lamang ang maaring makalabas at makapasok sa lalawigan.

Ang Eastern Samar ay kabilang sa mga lalawigan na nasa ilalim ng General Community Quarantine na magsisimula sa unang araw ng Mayo.

Ang Diocese ng Borongan ay binubuo ng higit sa 400 libo ng mga mananampalataya na may 32 mga parokya na pinangangasiwaan ng 72 mga pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 20,559 total views

 20,559 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 48,564 total views

 48,564 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 66,364 total views

 66,364 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 65,504 total views

 65,504 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 176,471 total views

 176,471 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top