Ipalangin ang mga Manggagawa sa panahon ng pandemya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,537 total reads

May 1, 2020-11:55am

Ang Paggawa ay daan tungo sa kabanalan.

Ito ang mensahe ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ngayong ipinagdiriwang ang ‘Araw ng mga Manggagawa’ kasabay ang Kapistahan ni San Jose bilang patron ng mga Manggagawa.

Hiniling ng Obispo na ipanalangin ang lahat ng mga manggagawa, lalo na ang mga manggagamot na humaharap sa pandemya at tumutulong upang bigyang lunas ang mga maysakit.

Ayon kay Bishop Ongtioco ang gawaing ito ang kanilang daan patungo kabanalan at buhay na ganap sa Panginoon.

“Ipagdasal po natin ang lahat ng mga manggagawa upang matuklasan nila ang paggawa ang pagtatrabaho ay daan ng kabanalan, daan patungo sa buhay na ganap,” bahagi ng pahayag ng Obispo.

Nagpaabot naman ng pagbati si Bishop Ongtioco sa ika-60 taong anibersaryo ng parokya ni San Jose Manggagawa sa Balintawak, Quezon City.

Ito ay isang makasaysayang pagdiriwang ayon sa Obispo dahil humaharap sa pagsubok na pandemya ang buong mundo dahil sa Corona Virus Disease kung saan malaking bahagi ng 43 milyon manggagawa sa buong bansa ay natigil ng trabaho dulot ng umiiral na lock down.

At sa kabila nito marami pa rin aniyang dapat na ipagdiwang at ipagpasalamat ang mga mananampalataya dahil ang lockdown ay naging daan upang magkaroon ng oras sa pamilya ang bawat isa.

Ayon kay Bishop Ongtioco hamon sa bawat pamilya na matularan ang pag-ibig at pangangalagang ipinamalas ni San Jose sa banal na pamilya.

Ang pagiging mapagpakumbaba ni San Jose ayon sa Obispo ang itinuro nito kay Hesus at ito rin ang dapat tularan ng bawat isa ngayong panahon ng krisis upang mapanatiling nakaugat sa Panginoon ang pananampalataya, pagtitiwala at pag-asa ng bawat tao.

“Hamon sa atin ang kababaang loob, sama-samang pagtutulungan, sama-samang paghahanap sa kalooban ng Diyos at pagsasabuhay nito… Harinawa itong pangkasalukuyang pandemya magbunga ng maraming grasya at biyaya, mapunan natin ang kahalagahan ng buhay, pamilya, panalangin ng pamilya, pagsuporta sa isa’t isa pagmamalasakit sa iba.” Dagdag pa ni Bishop Ongtioco.

Sa kasalukuyan mahigit na sa 8-libo ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, nagpapatuoy naman ang simbahang katolika sa paghahatid ng online church services upang mapalakas ang pananalig ng bawat mananampalataya sa panahon ng matinding pagsubok sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagat ng basura

 56,296 total reads

 56,296 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 78,799 total reads

 78,799 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 159,454 total reads

 159,454 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 261,183 total reads

 261,183 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 296,051 total reads

 296,051 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 371,334 total reads

 371,334 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top