Pagpapasara ng ABS-CBN; ‘Untimely and Disservice’ sa panahon ng pandemya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 646 total views

May 7, 2020-11:07am

Inihayag ni Balanga Bishop Ruperto Santos na mahalaga ang gawain ng media sa pagpapalaganap ng mga impormasyon lalo na sa panahon ng krisis.

Ayon sa obispo mahalaga ang sector ng komunikasyon upang labanan ang mga maling impormasyong ipinakakalat lalu sa social media gamit ang mga hindi mapagkakatiwalaang pagkukunan ng impormasyon.

“Mass media is valuable source of information to our people, especially now with this COVID 19. It is very much needed, especially also now with proliferation of fake news, unreliable stories,” pahayag ni Bishop Santos.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa pansamantalang pagsara ng ABS-CBN bunsod ng pagkapaso ng prangkisa nito noong ika-4 ng Mayo.

Suportado ni Bishop Santos ang renewal ng prangkisa ng Kapamilya network sapagkat malaki ang naiambag nito sa lipunan sa larangan ng pagbabalita at paghahatid ng aliw sa mamamayan partikular ang mahigit sampung milyong OFW sa ibat ibang panig ng mundo.

“ABS-CBN has been very effective and efficient sources of information, dedicated and devoted for reliable and truthful news, stories and shows. Our OFWs are best informed, responsibly connected to their loved ones back homes,” giit ng obispo.

Dagdag pa ng Obispo, hindi napapanahon ang pagpapatigil sa operasyon ng network lalo’t nasa gitna ng krisis dahil maaring magdulot ng kawalan ng trabaho sa mahigit 11 libong manggagawa ng ABS-CBN.

Ikalima ng Mayo nang tuluyang mag sign off ang istasyon ganap na alas 7:52 ng gabi makaraang magpalabas ng Cease and Desist Order ang National Telecommunication Commission.

“It is untimely and disservice at this time of pandemic the cease and desist order given to ABS-CBN,” ayon pa sa obispo.

Binalaan ni Solicitor General Jose Calida ang mga kawani ng NTC na maaring maharap sa kasong paglabag sa anti-graft and corruption laws kung patuloy na mag-broadcast ang istasyon.

Sinabi ni Bishop Santos na sa panahong ito ng krisis dapat pairalin ang habag, awa at pag-uunawa bilang pakikiisa sa mga mamamayan partikular sa mga dukha na nagdurusa sa epekto ng COVID 19 pandemic.

“There are many things we have closed down, but we should not close our hearts for charity; our minds on reason and our hands on healing,” dagdag ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 61,305 total views

 61,305 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 57,174 total views

 57,174 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 93,376 total views

 93,376 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 101,589 total views

 101,589 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 125,808 total views

 125,808 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top