PNP, tiyakin ang kaligtasan ng mamamayan laban sa Covid-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 528 total reads

May 8,2020-8:28pm

Ito ang panawagan ni PNP Chaplain Service director, Police Colonel Fr. Jason Ortizo sa mga kawani ng PNP na nagsisilbi ring frontliners laban sa pandemya sa ipinapatupad na enhanced community quarantine.

Ayon kay Fr. Ortizo na sa gitna ng pagganap ng bawat pulis sa tawag ng serbisyo na magbantay sa mga lansangan lalu na sa mga check points at choke points ay mahalaga na patuloy din na hingin ng bawat isa ang paggabay ng Panginoon.

Paliwanag ng Pari, bukod sa pagtiyak na masunod ang medical procedures na payo ng mga eksperto ay mahalaga ring patuloy na manalangin ang bawat isa upang ipag-adya mula sa pagkalat ng sakit.

“Kahit very challenging yung panahon ngayon ay sagutin pa rin nila ang tawag ng pagbibigay ng kanilang serbisyo, ipagpatuloy ang kanilang mga trabaho lalung-lalo na gampanan nila yung pagma-man sa mga kalsada at sa mga different check point at saka choke points at sana ay laging magdasal habang nasa duty kasi hindi makikita yung kalaban so talagang kailangan ng prayers at saka pag-iingat habang ginagampanan nila yung trabaho nila,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Ortizo sa panayam sa Radyo Veritas.

Sa pinakahuling tala ng PNP Health Service noong ika-4 ng Mayo umaabot na sa 109 ang bilang ng mga PNP personnel na nagpositibo sa COVID-19 kung saan may 375 ang suspected Person Under Investigations at 369 naman ang patuloy na binabantayan bilang probable persons under investigation.

Aabot sa 190,000 ang bilang ng mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa buong bansa na kasalukuyang nagsisilbing frontliners sa pagtiyak ng kaligtasan ng sambayanan mula sa pagkalat ng COVID-19.

Nauna ng tiniyak ng PNP–Chaplain Service ang pagsasakatuparan ng mandato nito na gabayan ang mga kawani ng pambansang pulisya ng Pilipinas upang maging mabuting alagad ng batas nang may pagkilala sa karapatan at dignidad ng bawat isa.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 1,975 total reads

 1,975 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 7,751 total reads

 7,751 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 45,502 total reads

 45,502 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 271,772 total reads

 271,772 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 165,238 total reads

 165,238 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 258,893 total reads

 258,893 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top