Caritas Manila RJ Ministry, nababahala sa kaligtasan ng mga bilanggo sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 819 total reads

May 9, 2020, 3:15PM

Umaasa si Caritas Manila Restorative Justice Ministry Program Coordinator Sr. Zeny Cabrera na naibibigay ng Bureau of Jail Management and Penology o B-J-M-P ang pangunahing pangangailangan ng mga bilanggo sa gitna ng banta ng Coronavirus Disease 2019.

Ayon sa Madre, mahalaga na magkaroon ng sapat na supply ng pagkain, malinis na tubig, bitamina, alcohol at gamot ang mga bilanggo upang matiyak ang kanilang kapakanan at kalusugan mula sa nakahahawa at nakamamatay na sakit.

Iginiit ni Sr. Cabrera na kailangang mapalakas ang katawan at resistensiya ng mga bilanggo na lantad na mahawaan ng mga sakit sa sobrang siksikan sa mga bilangguan.

“We hope na patuloy na mabibigyan sila ng material supply, goods na kailangan, mga vitamins ganyan, kailangan talaga sa mga prisons and jails dahil hindi sila makakakilos ng free, yung pagpapadala ng gamot, vitamins, water, alcohol yun mga kailangan yun…”pahayag ni Sr. Cabrera sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang ibinahagi ng Madre ang pangamba at takot ng mga bilanggo dahil sa kawalan ng naangkop na espasyo sa loob ng kulungan upang magkaroon ng social distancing o physical distancing na isa sa mga ipinapayo ng mga eksperto upang maiwasan ang COVID-19.

Hinimok din ng Madre ang panumuan ng B-J-M-P at Department of Justice na tutukan ang pagsasaayos ng kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) na magsisilbing daan upang mapaluwag ang mga bilangguan sa bansa.

Batay sa pinakahuling tala ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) noong ika-4 ng Mayo, umaabot na sa 233 ang bilang mga bilanggo at jail personnel na nagpositibo sa COVID-19 mula sa iba’t-ibang bilangguan sa bansa.

Sa datos ng DOH, mula sa 373-persons deprived of liberty na sinuri, 195 dito ang nagpositibo bukod pa sa 38-BJMP personel na nagpositibo rin sa nasabing sakit.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 494 total reads

 494 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 5,095 total reads

 5,095 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 43,153 total reads

 43,153 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 269,424 total reads

 269,424 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 162,890 total reads

 162,890 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 256,646 total reads

 256,646 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top